VelasPad — Ang Launchpad ng Velas Blockchain
Kasaysayan na ang nagsasabi na ang mga Launchpad ay mayroong mabuting epekto sa bawat proyekto na inililista rito. Hindi lang sila natutulungang umunlad ang kumunidad, maging kilala sa industriya, nalalantad din sila sa publiko at mga namumuhunan upang sumali at makatulong sa paglago ng kanilang ekosistema.
Ngayong linggo ay pag-uusapan natin kung ano nga ba ang kauna-unahang Launchpad na itinayo sa Velas Blockchain at mga benepisyo nito na maaari nating magamit sa hinaharap.
Ano ang Launchpad?
Ito ang mga platform na pinapayagan ang mga namumuhunan na bumili sa mga bagong proyekto ng cryptocurrency bago ito ilabas sa publiko. Ang mga Launchpad ay karaniwang pinapatakbo ng isang crypto exchange o ibang proyekto na nakatuon sa parehong hangarin.
Upang lubos na maunawaan kung paano gumagana ang mga launchpad, kailangan mong maunawaan kung paano nakakakuha ng pera ang mga bagong proyekto sa crypto para sa kanilang produkto o serbisyo.
- Makakuha ng katanyagan.
- Ang isang bagong proyekto ay nagmumula sa isang produkto o serbisyo na nais nilang paunlarin.
- Lumilikha sila ng isang token na bubuo ng isang mahalagang bahagi ng kanilang nakaplanong platform
- Ibinebenta muna nila ang mga token na ito sa maagang namumuhunan upang makalikom ng pondo.
- Pagkatapos ay inilabas ang token sa merkado publiko.
- Habang lumalaki ang proyekto ay tumaas ang presyo ng token, kumikita ang mga namumuhunan, ngunit ang mga naunang namumuhunan na nakakuha ng mas murang presyo ay lalong kikita.
VelasPad
Ang kauna-unahang launchpad sa Velas chain.
Ang VelasPad ay iniindorso at kasosyo ng Velas na tumutulong upang palakasin ang hinaharap ng mass-market blockchain application sa loob ng Velas ecosystem.
Kagaya ng ibang Launchpad, ang VelasPad ay gumagana din upang tulungan ang mga bagong proyekto na gagamit sa Velas chain.
Gaano nga ba kahalaga ang Launchpad at ano nga ba ang benepisyo nito sa mga namumuhunan?
Ang Launchpad ay ginawa upang ilunsad ang mga bagong proyekto sa merkado upang matulungan silang magsimula sa isang mapagkakatiwalaang platform, maprotektahan ang mga gumagamit at ang proyekto mismo, mabilis na paglago, pantay na hatian sa mga namumuhunan, at potensyal na paglaki ng proyekto, iyan ang benepisyong hatid ng mga ito.
Gamit ang VelasPad tokens ay maaaring ma access at makilahok ang mga namumuhunan sa mga proyektong ilalabas dito. Ang imahe sa ibaba ay nagpapakita ng iba’t-ibang tier, dami ng token na kailangan upang maging kwalipikado at iba pa.
Ang ROI din sa mga Launchpad ay umaabot sa 4,078.33% para sa ATH nito at 1,032% ang kasalukuyang ROI.
Pagtatapos
Sa paglulunsad ng VelasPad at sa gaganaping IDO nito ngayong Setyembre 22, asahan nating mas dadagsa ang proyekto at lalago ang ekosistema ng Velas na may mabuting dulot para sa mga gumagamit, namumuhunan at sinumang bahagi ng ekosistema.
Hindi maikakailang may malaki ang benepisyo ng mga Launchpad sa mga namumuhunan at mga proyekto na maglulunsad dito. Sa pagdating nito sa ekosistema ng Velas, ang hinaharap ng pinakamabilis na blockchain sa indusriya ay maliwanag.