Launchpad? IDO? Ano nga ba ito?
Maraming paraan ang mga namumuhunan upang kumita gamit ang cryptocurrency. Ang pinakasikat na paraan? ICO, IEO at ngayon, ang IDO. Ngayong linggo ay aalamin natin ang kung ano nga ba ang IDO at kung bakit ito sikat!
Ang IDO (Initial DEX Offering) ay tumutukoy sa isang proyekto na naglulunsad ng coin o token sa pamamagitan ng isang desentralisadong palitan. Ito ay isang uri ng palitan ng crypto asset na nakasalalay sa mga liquidity pool kung saan maaaring bumili ang mga negosyante ng mga token, kabilang ang mga crypto coin at stablecoins. Halimbawa, ang USDT/ETH ay isang liquidity pair.
Ano ang mga pinakasikat na Launchpad/IDO?
BSCPAD, Kick Pad, Polkastarter, Paid Ignition, DAO Maker at marami pang iba.
Ang mga launchpad na ito ay nagsisilbing tulay para sa mga makabagong proyekto/startup, upang matulungang makapag-umpisa at bilang kapalit ay mga token na may malaking potensyal.
Bakit Launchpad?
Ang mga launchpad na ito ay nakakatulong sa pagbuo ng matatag na relasyon sa mga proyekto/startup, isang halibawa na dito ang malaking kumunidad na handang sumuporta sa mga bagong proyekto na napakaimportante upang mabuo ang unang bugso ng mga gumagamit.
Paano gumagana ang mga Launchpad na ito?
Magkakaibang Launchpad, magkakaiba din ang paraan kung paano nila pinapatakbo ang mga token sale na nangyayari sa kanilang platform.
Ang pinaka karaniwan ay ang paghawak sa mga token ng platform na ito, sa sitwasyon ng BSCPAD, bilang halimbawa, kinakailangang humawak ng 1000 $BSC tokens at i stake ito para sa minimum na requirement. Sa pagtaas ng hawak na token, tataas din ang tier na iyong kabibilangan, kasama nito ay tataas din ang alokasyon na maaari mong makuha.
Sa pamamagitan ng mga Launchpad, nabibigyan ng exposure ang mga proyekto at tinutulungan itong makabuo ng kredibilidad na nagreresulta sa mainit na pagtanggap ng publiko.
Pagtatapos
Malaki ang naitutulong ng mga launchpad na ito dahil nasisigurado ang patas at desentralisadong pagbebenta para sa lahat. Dapat lamang nating tandaan na tayo ang may solong responsibilidad sa ating pinapasukan, ang mga kita at tubo ay hindi garantisado, kaalaman sa pinapasukan at pananaliksik pa din ang kailangan.
Risks Associated. Rug pull, project spam, expensive, price fluctuations
Tandaan: Karaniwang gumagana ang mga Launchpad sa desentralisadong paraan, bilang isang DApp. Ito din ay maituturing na palitan o DEX.