Velas Quick Update!
Marami ang nangyari sa ekosistema ng Velas sa loob lamang ng maikling panahon. Talakayin at balikan natin ang mga nangyari nuong mga nakaraan linggo upang mauna sa lahat ng paparating na mga balita.
Velas Grant — Sa paglulunsad ng Velas Grant na kung saan ay susuportahan ng Velas ang anumang proyekto na mayoong potensyal sa lahat ng pangangailanan nito kasama na ang funding.
Sundan ang mga karagdagang detalye patungkol sa Velas Grant at baka ang iyong proyekto na ang susunod sa listahan!
https://velasph.medium.com/velas-grant-5m-funding-program-47d5bd6c71d9
Bamboo DeFi — Ang Bamboo DeFi ay isang DEX/AMM na nagpapahintulot sa mga gumagamit upang bumili ng mga token, mag farm, mag stack, lumahok sa mga airdrop at ma-access ang iba’t-ibang tampok ng Bamboo.
Ang Bamboo DeFi ay kasama din sa iilang proyekto sa loob ng programa ng Velas Grant.
Wagyuswap — Ito ang kauna-unahang DEX sa ekosistema ng Velas.
Ano nga ba ang DEX? Ito ay isang peer-to-peer (P2P) na merkado na kung saan ay kinokonekta ang mga mamimili sa mga nagbebenta. Ito ay mayroong malaking pagkakaiba sa mga Centralized Exchanges na kung saan ito ay non-custodial at binibigay ang kontrol sa mga gumagamit para sa kanilang mga private key.
Velaspad — Ang kauna-unahan at opisyal na iniendorso ng Velas na Launch pad upang tulungan ang mga proyekto na ilulunsad sa ekosistema ng Velas.
Ang Velaspad ay direktang nakipagsosyo sa Velas at hindi kabilang sa Velas Grant. Sa pagpapakita ng suporta, ang buong pangkat ng Velas ay sinusuportahan ang paglulunsad ng Velaspad na maaaring makatulong sa buong ekosistema.
DEX Listing — Hindi inaasahan ng karamihan ang pagkakaroon ng Velas ng bridge sa napakaikling panahon na nagpapahintulot dito upang mailista sa pinakamalalaking DEX sa Binance Smart Chain at Ethereum Network.
Sa pagkakalista na ito ay nagbukas ng oportunidad sa buong ekosistema ng Velas upang makilala sa pangkalahatan ng crypto at madiskubre ang tinatago nitong potensyal bilang isang scalable blockchain.
Ang pagkakalistang ito ay nagdulot ng magandang epekto sa presyo.
Kung kayo ay nagtataka kung papaano mag swap ng VLX patungo sa BSC at Ethereum, sundan lamang ang gabay na ito.
https://t.me/VelasPhilippines/489
Ito ang opisyal na mga link ng naturang pagkakalista:
BSC — https://www.dextools.io/app/bsc/pair-explorer/0x48d807e5cb92617953a88cce78dcf31012f4d6b6
Ethereum — https://www.dextools.io/app/ether/pair-explorer/0xecc558b8db3f95d043844442f51187ceb534d17a
Tunghayan din ang ating Founder na si Alex Alexandrov sa mga pinakabagong update patungkol sa hinaharap ng Velas.
Pagtatapos
Sa lumalawak na ekosistema ng Velas, dumadami din ang natutulungan nito at bilang resulta ay ang paglago ng kumunidad. Sa kasalukuyan ay mayroong 47 na libong miyembro sa ating opisyal na kumunidad, 47 na libong mga matang nag-aabang sa susunod nating mga hakbang. Abangan ang mga susunod pang mga balita, ang paglabas ng ating Flashship product, mga proyektong gagawaran ng Grant sa paglago at marami pang iba.