Velas Grant — $5M Funding Program

Sa misyong palawigin ang ekosistema ng Velas, tinutulungan nito ang mga natatanging proyekto sa pamamagitan ng programa na Velas Grant.

Velas Philippines
3 min readJul 11, 2021

Sa pagpapalawig ng ekosistema ng Velas ay kalakip ang isang programa upang tulungan ang may potensyal na mga proyekto para sa kanilang pag-develop, pakikipag-ugnayan sa mga natatanging kumpanya, pampinansyal at marami pang iba.

Ngayong edisyon ng ating #weeklycontent ay aalamin natin kung paano makilahok, ano ang mga kailangang gawin upang maging kwalipikado at ang mga benepisyo sa ilalim ng programang ito.

Ano nga ba ang programang “Velas Grant”?

Ito ay dinisenyong programa upang suportahan at palakihin ang lawak ng ekosistema upang maabot natin ang bagong yugto ng Web 3.0.

Batid ng karamihan ang kamakailang pag-upgrade ng Velas sa pamamagitan ng Solana codebase, mula sa lumang AIDPoS network nito ay mas nadagdagan pa ang lawak at kayang gawin ng Velas Blockchain at inaasahang pinahihintulutan nito ang aabot sa 75 na libong transaksyon bawat segundo.

Paano makilahok?

Ang inaasahang iaambag ng Velas sa programang ito, sa bawat proyekto, ay umaabot sa $100,000.

Halos lahat ng proyekto ay pinauunlakan ng Velas at hindi ito limitado sa mga partikular na produkto ngunit ang kinakailangan ay pinapalakas ang ekosistema ng Velas.

Ang pangkat ng Velas din mismo ang makikipagtulungan sa mga developer na naglalayong bumuo ng mga solusyon para sa desentralisasyon at kalinangan.

Ano-ano ang kailangan upang malaman ng Velas na ang iyong proyekto ay karapat-dapat?

  • Ang layunin at saklaw ng proyekto
  • Business plan/whitepaper
  • Itinayo sa Velas blockchain
  • Mga tampok na panteknikal at panukala ng halaga
  • Background at karanasan ng koponan
  • Go-to-market strategy at plano sa paglikom ng gumagamit
  • Ang proyekto, mga timeline, na-target na naihahatid sa bawat milyahe, tinantyang mga pagsisikap
  • Pagpopondo at paraan ng pagbabayad
  • Paano nakikinabang ang proyekto sa Velas ecosystem
  • Isang buod ng ehekutibo at pitch deck

Kinakailangan ding isumite ang mga detalyeng nakapaloob sa Google form na ito:

https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLScMSVuyNETN7UbgDChtnCMm5pC7vaRQXAAy7n_AfexSiaLShA/viewform

Mga Benepisyo

  • Recruiting — Tinutulungan namin ang mga startup upang kumuha ng nangungunang talento (mga inhinyero, tagabuo ng komunidad, developer)
  • Networking — Tinutulungan namin ang mga startup para sa mga koneksyon sa mga namumuhunan, pondo at mga accelerator.
  • Marketing — Tinutulungan namin ang mga startup na makisali sa mga pangunahing palitan, hanapin ang mga key-opinion leader, at bumuo ng mga kampanya sa marketing.
  • Grants —Nagbibigay kami ng mga gawad para sa paglikha ng mga bagong tool at proyekto upang madagdagan ang paggamit ng Velas.
  • Technical — Ang aming mga ekspertong tagabuo ay tutulong sa teknikal na bahagi ng mga proyekto sa pagsisimula.
  • Research — Tinutulungan namin ang mga startup sa lahat ng kinakailangang pagsasaliksik bago pumunta sa merkado upang galugarin ang mga bagong pagkakataon at potensyal.

Paano malalaman na ang iyong proyekto ay natanggap?

  1. Upang makilahok sa programa ay kailangang punan ang isang application form.
  2. Ang mga aplikasyon ng pangkat ay isinumite ng isang kinatawan na naglalaman ng impormasyon sa pakikipag-ugnay, karanasan at portfolio ng lahat ng mga miyembro ng koponan na maaaring kasangkot sa trabahong gawain.
  3. Ang mga aplikasyon ay susuriin sa loob ng 14 na araw (working days) at ang mga resulta ng pagpili ay ipapadala sa email na tinukoy sa aplikasyon.
  4. Kung matagumpay ang isang panukala, kakailanganin ang karagdagang komunikasyon upang matukoy ang mga detalye sa paligid at magawaan ng timeline at iskedyul ng pagbabayad.
  5. Magaganap ang feedback sa buong proseso ng pagbibigay ng tulong.

Basahin ang opisyal na post ng Velas patungkol sa programang ito:

Pagtatapos

Sa matagumpay na pag-upgrade sa sistemang nakapaloob sa Velas ay nagsisimula na itong tulungan ang mga proyekto na gagamit sa teknolohiya nito. Maraming pagpipilian ngunit ang tulong na ginagawa ng Velas ay hindi matatawaran at lubhang mahalaga sa mga bagong proyekto upang umunlad. Sa pananaw na makapagtatag ng isang masiglang ekosistema, lahat ng iyan ay nagsisimula na.

Upang matuto ng higit patungkol sa Velas, bisitahin ang mga link sa ibaba:

Velas Website | Twitter | Instagram | Facebook | YouTube |Telegram

--

--