Matuto Patungkol sa Crypto kasama ang Velas Part 2

Velas Philippines
4 min readNov 10, 2020

--

Maligayang bati Velonians!

Sa pag-angat ng presyo ng Bitcoin, marami na namang mga baguhan ang nagnanais bumili nito dahil sa “curiousity”, o di kaya’y bilang “investment”. Ngayong linggo ay pag-uusapan natin ang mga “Cryptocurrency Wallet” kung saan ninyo ilalagay ang inyong Cryptocurrency, kung ano ang bumubuo dito at ano ang mga dapat nating iwasan upang magamit ito sa buo nitong potensyal.

Kung kayo ay bago pa lamang sa ating channel, wag kalimutang i follow ang ating Medium Page upang maging updated sa lahat ng balita na nangyayari sa Velas at ang ating Telegram Group upang makipag-usap ng direkta sa ating mga tagapamahala.

Mangyari ding basahin ang ating nakaraang “Matuto Patungkol sa Crypto kasama ang Velas” content:
https://velasph.medium.com/matuto-patungkol-sa-crypto-kasama-ang-velas-dfa71e4df6b9

Ano nga ba ang isang Cryptocurrency Wallet?

Ang cryptocurrency wallet ay isang kasangkapan sa isang blockchain na ginagamit upang mag-imbak, tumanggap, magpadala at iba pa. Ito ay nakakonekta ng direkta sa blockchain. May iba’t ibang uri din ng mga Cryptocurrency Wallet na mayroong iba’t-ibang katangian na naaangkop sa gumagamit.

Ibang Blockchain network ay kadalasang nangangahulugan na iba din ang gamit nito. Halimbawa, ang wallet ng Ethereum ay hindi maaaring tumanggap ng Bitcoin dahil sa iba ang ginagalawan nitong network. Ngunit mayroon na ngayong nga desentralisadong aplikasyon kung saan maaari kang mag-imbak ng iba’t-ibang cryptocurrency kagaya na lamang ng Velas Wallet.

Uri ng Cryptocurrency Wallet

  • Software Wallet
  • Hardware Wallet
  • Paper Wallet

Ano ang bumubuo sa isang Cryptocurrency Wallet?

Ang bawat cryptocurrency wallet ay mayroong Public Key at Private Key.

Ang Public Key ay ang tinatawag din nating wallet address, isang lokasyon kung saan ito ay ginagamit upang ikaw ay makatanggap ng cryptocurrency.

Sa kabilang banda ang Private Key naman ay ang iyong “password” kung saan ito ay ginagamit upang ma-access ang iyong wallet. Hindi ito maaaring ibahagi sa iba kundi sila ay magkakaroon ng kontrol sa iyong wallet at cryptocurrency na hawak.

Custodial at Non-Custodial Wallet

Alamin kung ano ang pinagkaiba ng Custodial Wallet sa Non-custodial wallet nang malaman kung ano ang naaangkop sa iyo.

Custodial Wallet

Ang isang Custodial Wallet ay isang wallet kung saan hindi ikaw ang may hawak ng sarili mong private key. Posible ba ito? Oo, kadalasan natin itong makikita sa mga palitan o exchanges na kung saan ay madalas ang pag lipat o pag trade sa mga hawak nating cryptocurrency.

Tinatawag din itong “Hot Wallet” dahil ito ay madaling ma-set, madaling naa-access at madaling gamitin. Ngunit ito ay hindi inirerekomenda ng karamihan dahil walang nakatakdang insurance sa iyong cryptocurrency kung sakaling ito ay manakaw, kumbaga ibang partido ang responsable sa pagpapanatili ng seguridad sa iyong mga coins na hawak.

Non-Custodial Wallet

Ito ang mga Cryptocurrency Wallet kung saan ay hawak mo ang buong permiso sa iyong Cryptocurrency. Ito ay maaaring ma access sa paggamit ng Private Key, Seed Phrase, Keystore file, Password at iba pa. Ito ay inaasahan ding mas ligtas kung ikukumpara sa Custodial Wallet.

Tinatawag din itong “Cold Wallet” at ang halimbawa nito ay Software wallet na kung saan ikaw ay gagamit ng mga aplikasyon, Hardware Wallet gamit ang hardware component at Paper Wallet na gamit lamang ang papel kung saan naka imprenta ang iyong Private Key.

Software Wallet

  • Web Wallet Ito ay isang wallet na maaaring ma-access gamit ang internet at web browser. Sa katayuan ng Velas, ang Web Wallet ay maaaring gamitin gamit ang password at Seed Phrase.
  • Mobile Wallet — Ito naman ang uri ng wallet na maaaring magamit, gamit lamang ang inyong cellphone. Ito ay mas mabisa at mas madaling gamitin dahil sa QR code feature nito para makapagpadala at makatanggap ng cryptocurrency.
  • Desktop Wallet — Ito ang mga Wallet na ginagamit sa mga personal computer. Ang bawat Desktop Wallet ay nagbibigay ng “wallet.dat” file kung saan naka store ang iyong wallet data kagaya ng private key, password, address at iba pa. Maaari ding iexport ang private key kung sakaling gagamitin sa ibang wallet application.

Hardware Wallets

Ito ang mga wallet na kailangan ng hardware component upang magamit. Ito ay maaaring gamitin ng hindi kumokunekta sa internet at tinaguriang pinakaligtas na paraan upang mag imbak ng cryptocurrency na hindi kailangang ilipat ng madalas dahil na din sa hirap nitong gamitin.

Paper Wallet

Ang Paper Wallet naman ay pagkakapareha sa Hardware Wallet, ito ay mayroong Public Key, Private Key, QR code para sa mas madaling paglilipat at maaaring magamit offline. Ito din ay maaaring i-import gamit ang mga uri ng software wallet. Ito ay ligtas din sa mga online hacking attempt dahil ito ay naka store offline.

Pagtatapos

Ngayon ay inyong natunghayan ang iba’t-ibang Cryptocurrency Wallet na maaari ninyong gamitin base sa inyong pangangailangan. Hot Wallet para sa madalas na paggalaw o paglilipat ng crypto o di kaya’y cold wallet sa mga gustong mag HODL. Sa mga gusto din ang mas ligtas na paraan sa pag-iimbak, maaaring gamitin ang mga Hardware wallet. Iba’t-iba din ang uri ng wallet na maaaring magamit sa bawat blockchain, ngunit may iilan katulad ng Velas Wallet na kung saan ay maaari kang mag-imbak ng ibang coin kagaya na lamang ng Bitcoin at Ethereum gamit ang iisang wallet lamang.

Umiwas sa mga maling impormasyon. Laging sumangguni sa mga opisyal na channel ng Velas:

Velas Website | Twitter | Instagram | Facebook | YouTube |Telegram

Velas Philippines Telegram Group || Velas Philippines Telegram Channel

--

--

Velas Philippines
Velas Philippines

Written by Velas Philippines

Maligayang Bati mula sa Velas Philippines!

No responses yet