Matuto Patungkol sa Crypto kasama ang Velas
Paano? Basic lang!
Hindi naman natin maikakaila na isa sa pinakapatok na paksa ngayon ay ang Cryptocurrency, na marami na daw yumaman mula rito, marami ding nagbago ang buhay, ngunit alin nga ba ang totoo?
Kung kayo ay bago pa lamang sa ating channel, wag kalimutang i follow ang ating Medium Page upang maging updated sa lahat ng balita na nangyayari sa Velas at ang ating Telegram Group upang makipag-usap ng direkta sa ating mga tagapamahala.
Mangyari ding basahin ang content natin nuong nakaraang linggo:
https://medium.com/@Velas_PH/passive-income-investment-ano-nga-ba-ang-katotohanan-sa-likod-ng-mga-cryptocurrency-c531a6983fb4
Paano nga ba makapagsimula sa mundo ng crypto? Maraming paraan, ngunit ang mga sumusunod ay aming naisip upang kayo ay tulungang makapag-simula.
Paano nga ba makapagsimula sa mundo ng crypto?
Sumali sa mga Bounty/Airdrop
Ito ang pinakamabisang paraan, sa tingin ko upang matuto kung paano gumagana ang isang cryptocurrency gamit na rin ang tulong ng sponsor o nagsagawa ng mismong Bounty/Airdrop.
Ang kadalasang ginagawa sa Bounty/Airdrop ay ang paglikha ng mga content, pag share ng mga post sa social media at iba pang promotional activities na kung saan mas napapalawig ang pangalan ng isang proyekto kapalit ang pabuya na cryptocurrency.
Maari kayong bumisita sa ating Telegram Channel para sa mga Bounty at Airdrop at makatanggap ng mga pabuya!
Pros:
- Walang bayad ang pagsali at may kapalit na pabuya.
- Madaling Gawin. Pwede sa lahat.
- Walang kinakailangang kaalaman sa usaping Blockchain at Cryptocurrency. Ang kailangan lamang ay magawa ang bawat gawain.
- Maraming pwedeng salihan. Maaari kang pumili.
- Maaaring matuto at kumita sa parehong oras.
- Maaaring ituring na “Investment” ang nakuhang pabuya.
Cons:
- Kailangang pag gugulan ng oras.
- Madaming kakumpetensya.
- Maraming pwedeng salihan. Crowded.
Online Jobs
Maraming trabahong makukuha sa mundo ng crypto at masasabi ko na isa ito sa mga pinaka-lehitimong mapagkakatian online.
Hindi naman kinakailangan ang labis na karanasan upang makapagtrabaho sa isang proyekto katulad na lamang ng Velas. Sa katunayan, maraming proyekto ang naghahanap ng dagdag na tulong mula sa kanilang kumunidad at kailangan lang ay magtanong at magpakita ng suporta.
Karaniwang kailangan ay ang mga Computer Engineer, Software Engineer, Analyst at kung hindi ka naman kwalipikado, pwede din yung mga Virtual Assistant na ang kinakailangan lamang ay computer literacy, Community Support na ang kailangan ay Internet Connection, Cellphone at kaunting kaalaman sa pag-iingles, at marami pang iba.
Walang hadlang sa nas magtrabaho online at malaking tulong ang idustriya ng crypto para sa mga may hangarin. Ang pagtanggap ng cryptocurrency bilang sahod ay nagbibigay daan sa mas malawak na industriya, mas maluwag na kumpetesyon at mataas na sweldo.
Pros:
- Malawak na merkado.
- Mas madaming pagpipilian na kliyente/employer.
- Mabilis ang transaksyon.
- Malaki ang sahod.
- Hindi kailangang lumabas ng bahay.
- Maaaring ituring na “Investment” ang sahod na nakuha.
Cons:
- Hindi mapagkakatiwalaang employer.
- Kailangan ang pasensya dahil maaaring hindi pagkakaintindihan. (Semantic Noise)
- Kailangan ng aparato tulad ng Cellphone, Computer at iba pa.
- Kailangan ng Internet Connection.
Online Selling
Maaari din kayong magbenta ng gamit kapalit ng cryptocurrency, ito ay tinatawag nating P2P.
At dahil sa limitadong P2P Platform dito sa Pinas, may pagkakataon pa ding mangyari ang transaksyon ng harapan. Kahit na hindi natin ito maituturing na mabilis na paraan ng transaksyon, ang mabuting nagagawa naman nito ay bigyang halaga ang cryptocurrency, hindi lang sa cross-border payments, pati na din sa micro transactions.
Mas napapalawig din ang customer base ng isang negosyo kapag ito ay tatanggap ng cryptocurrency bilang bayad sa kanilang produkto.
Pros:
- Mas madaming customer.
- Mas malawak na merkado.
- Mas madali ang paghahanap ng customer.
Cons:
- Close encounter/Meet-up, literal na P2P transaction.
- Third party escrow service.
- Kulang sa P2P platform.
- Kailangan pa ding maglaan ng oras para sa transaksyon.
- Kailangan ang kaalaman sa pagti-trade.
- Volatile na presyo ng cryptocurrency na hindi angkop sa stable price ng mga bilihin/produkto.
Pagbili ng Crypto
Maaari kayong magpapasok ng pera kapalit ng cryptocurrency sa pamamagitan ng mga palitan katulad ng coins.ph.
Hindi ito inirerekomenda para sa lahat sapagkat ang presyo ng cryptocurrency ay pabago-bago na maaaring dahilan ng pagkalugi. Dito na din pumapasok ang paksang “Trading” at “Investment” kung saan maraming kumita at nagbago ang buhay.
Inaasahan ang tubo dito kung kaya’t nararapat lamang na alam ang ginagawa bago magpapasok ng pera. Dahil katumbas ng mga yumaman ay ganun din iyong nalugi dahil hindi alam ang ginagawa.
Pros:
- Malaki ang posibleng kita o tubo ng puhunan.
- May responsibilidad sa bawat hakbang na gagawin.
Cons:
- Kailangan ng puhunan.
- Hindi tiyak na takbo ng merkado.
- Kinakailangan ang pag-unawa at kaalaman sa paksang Blockchain at Cryptocurrency.
- May responsibilidad sa bawat hakbang na gagawin.
Iyan ay iilan lamang sa mga pwedeng gawin upang makapag-simula. Inianyayahan namin kayo sa Velas Philippines Telegram Group upang pag-usapan ang iba pang posibleng gawin ng mga interesado o matalakay ng mabuti ang paksa ngayon.
Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang mga opisyal na channel ng Velas
Velas Website | Twitter | Instagram | Facebook | YouTube |Telegram