Velas Update — Ano ang mga nangyayari

Velas Philippines
5 min readOct 28, 2020

--

Nitong nakaraang buwan ay inilunsad ang Symblox, ang kauna-unahan proyekto na ginamit ang Velas Blockchain upang mas mapalakas ang serbisyong kanilang nais ibigay sa mamamayan.

Isang taon mahigit na din ang Velas sa industriya at marami na ang nangyaring pagbabago matapos nito. Mula sa unang block hanggang sa unang proyektong naitatag dito, sinamahan tayo ng lumalaking kumunidad mula sa iba’t-ibang parte ng mundo upang suportahan at ipagpatuloy ang ating layunin.

Sa pakikipagtulungan ng bawat miyembro ng pangkat ng Velas ay naging posible ang lahat ng bagay at nalagpasan ang mga pagsubok na humahadlang para sa ating globalisasyon.

Sa patuloy na lumalaking pamilyang Velonian ay dumadami na din ang ating isinasagawang aktibidad upang mapanatili ang kasiyahan at mapalawig ang kaalaman bilang pagpapasalamat na din sa suportang inyong ibinibigay.

Kamakailan lamang ay nagsagawa tayo ng mga AMA, nagdagdag ng bagong segment sa ating youtube channel, ipinagpapatuloy ang Techical Developments at update, atin ring isinusulong ang pagbibigay edukasyon sa ating kumunidad upang sila ay may mapulot na aral sa pinakamabisang paraan.

AMA

AMA o Ask Me Anything program. Ito ay ginagawa ng ating pangkat upang mapalawig ang tama at wastong impormasyon para sa ating kumunidad. Ito din ay nagbibigay daan sa ibang kumunidad na lumahok at matuto sa usaping cryptocurrency.

Ito ay nakakabuti hindi lamang para sa Velas, sa kumunidad na kinabibilangan nito at sa mga taong bumubuo rito kundi pati na rin sa buong kumunidad ng cryptocurrency upang palawigin ang tamang impormasyon at isulong ang kabutihang dala ng cryptocurrency sa ekonomiya at pinansyal na sektor ng industriya.

Sa kasalukuyan ay mayroon din tayong paparating na AMA. Tingnan ang buong detalye dito:

Bagong Segment

Hindi tumitigil ang Velas sa ginagawa nitong materyal pang edukasyon upang magbigay aliw at kaalaman para sa lahat. Kasama ang Coinbros, may mapapanuod tayong mga bagong segment na ating kagigiliwan.

Volume Up Segment

Ito ang bagong segment natin kung saan pinag-uusapan natin ang mga bagay sa paksa ng DeFi.

Things you didn’t know about crypto Segment

Sa segment na ito ay tinatalakay natin ang mga paksang hindi karaniwan sa usaping cryptocurrency na kadalasang kaunti lamang ang nakaalam.

Ating ding inilunsad ang Velas DeFi channel para sa mga usaping naka sentro sa DeFi at para suportahan na din ang mga proyektong gagamit sa Blockchain ng Velas.

Isa ito sa mga benepisyo at suportang ibinigigay ng Velas sa mga nagtitiwala sa mga layunin at kakayahan nito.

Technical Updates

Hindi mabubuo ang Velas kung hindi dahil sa teknolohiyang nagpapatibay dito. Kalakip ng mga tulong na ginagawa nito sa kumunidad, pinapalawig at pinapatibay din nito ang mga produkto sa pamamagitan ng patuloy na pag-upgrade at pagpapalawig sa miyembrong may kakayahang palakasin ito.

Ang Tech Report ang isa sa pinaka-interaktibong paraan ng Velas upang ipahayag ang mga balita at labis na maunawaan ng madla ang ginawa nitong pagpapabuti.

Hindi lamang iyan. Mayroon din tayong Ecosystem Report (Ulat sa ekosistema) upang mabalitaan ang lahat sa lahat ng pangyayari tungkol sa Velas sa isang maikling bidyo.

Materyales pang-edukasyon

Kamakailan lamang ay isinusulong natin ang mga materyales na makakatulong upang tayo ay madaling matuto sa usaping DeFi.

Sa pagkakataong ito ay ang mga infographic. Ito ay mga imaheng may kalakip na salita na naglalarawan sa isang paksa o usapin. Ito ay mas pinabisang paraan upang tayo ay matuto sa pamamagitan ng paggamit ng makulay na larawan.

Fun Events

Tayo din ay nagsasagawa ng mga giveaways kamakailan na kinagiliwan at tinangkilik ng marami sa ating mga miyembro.

Bilang pagpapatuloy sa pagbibigay tuwa sa ating kumunidad, aming naisipang magsagawa muli ng isang contest kung saan ay naglalayon tayong gumawa ng memes na ating gagamitin sa pakikipag-ugnayan sa ating channel.

Sundan ang link na ito upang makasali:

Pagtatapos

Sa mga isunusulong na inisyatibo ng Velas, sana ay inyong nagustuhan. Sa patuloy na paglaki ng pamilyang Velonian, sa patuloy na pag-unlad at paglago, marami ang pinagbago sa proyekto ng Velas na dapat nating bigyang pansin upang mabatid ang layo ng ating narating.

Sa patuloy na pagkalat ng pangalang Velas sa kalakhan ng industriya ng crypto, patuloy naming ibibigay sa kumunidad ang sa tingin naming makakabuti at makakapagbigay benepisyo sa bawat isa.

Velas DeFi Telegram Group: https://t.me/velasDeFi

Bisitahin ang mga link na ibaba para sa karagdagang detalye:

Velas Website | Twitter | Instagram | Facebook | YouTube |Telegram

--

--

Velas Philippines
Velas Philippines

Written by Velas Philippines

Maligayang Bati mula sa Velas Philippines!

No responses yet