Velas Philippines — Name your Hero Mini-Bounty Campaign
Upang ipagdiwang ang Araw ng mga Bayani, ang Velas Philippines ay naglunsad ng isang Mini-Bounty Campaign upang makisaya sa espesyal na araw na ito. Kasama ang buong pangkat ng Velas, inaanyayahan namin kayong makilahok at manalo ng VLX!
Ang programang ito ay hatid sa inyo ng Velas
“Self-learning and optimizing the blockchain platform for secure, interoperable, extremely scalable transactions, and smart contracts. Velas uses AI-Operated DPOS (AIDPOS) consensus to secure the blockchain for high volume transaction processing without sacrificing decentralization, stability, and security.”
- Nakalista sa 7 palitan (crypto exchange)
- Top 105 sa CoinMarketCap (sa oras ng pagsusulat)
- May higit Sampung Libong Telegram Members at 17,400 na Twitter Followers.
- Nai-publish at na-feature sa higit 30 na pahayagan sa buong mundo.
- May naitalagang kumunidad sa iba’t-ibang parte ng mundo upang tumulong maghatid ng mga Balita. Isa na dito ang Pilipinas, kabilang din ang mga bansang Vietnam, Espanya, Africa, Korea, Tsina, Indonesia, Turkey at marami pang iba.
Mandatory Task:
Join Velas Telegram Group: https://t.me/velascommunity
Join Velas Telegram Channel: https://t.me/VelasOfficial
Join Velas PH Telegram Group: https://t.me/velasphilippinesofficial
Join Velas PH Telegram Channel: https://t.me/VelasPhilippines
Siguraduhin munang nasalihan ang lahat ng Channel bago umusad sa susunod na mga hakbang.
Panimula
Bilang pagsalubong sa Araw ng mga Bayani, ating ipinagdiriwang ang kalayaang kanilang ibinigay, ngayong 2020, sama-sama tayo upang malampasan ang isa na namang pagsubok na dulot ng pandemya. Bilang sanhi nito, maraming tao ang naapektuhan, nagkasakit, mayroong mga namatay. Sa kabutihang palad, maraming umusbong na mga bagong bayani upang ipagtanggol ang bayan laban sa sakit at tumulong upang ito’y maiwasan.
May mga Bagong Bayani tayong nakikita na sumusuong sa mga mahihirap na gawain, ang tawag sa kanila ay mga “Frontliners” at “Backliners”, sila ang nakikupagsapalaran upang maiwasan ang pagkalat ng sakit at inilalaan ang kanilang buhay upang mabalaan ang bawat isa upang masiguro ang ating kaligtasan. Nagbibigay din sila ng serbisyo upang maihatid parin sa ating mga kinakailangan ng sapat at nasa oras.
Bayani rin nating maituturing ang mga nakikipagsapalaran upang makatulong sa pamilya dahil hindi naman natin maikakaila na mas mahirap ang buhay ngayon dahil sakit na kumakalat at mga lockdown sa bawat pook na naglilimita sa ating mga gawain at ikinabubuhay.
Gagawin
Bilang pagdiriwang, magbigay pugay tayo sa ating mga Bagong Bayani sa pamamagitan ng paggawa ng isang “Appreciation Post” para sa inyong mga itinuturing.
Hindi kailangang perpekto ang pagkakalikha, ang importante lamang dito ay maipakita natin ang ating pasasalamat sa kanilang mga ginagawa at pagsisikap.
- Wala tayong pinipiling edad, kasarian, relihiyon, propesyon o kung anuman.
Gabay na tanong para sa inyong post:
- Bakit mo siya itinuturing na bayani?
- Ano ang kanyang ginagawa sa pang araw-araw na inyong ikinakatuwa?
- Ano ang hirap na kanyang pinagdadaanan upang magbigay tulong sa iyo, inyong pamilya, bayan o bansa.
- Anong tulong ang kaniyang ibinibigay na hindi normal na ginagawa ng karamihan?
- Ano ang mga katangian na inyong hinahangaan sa kanya?
Pabuya
Ang bawat kalahok ay gagantimpalaan ng VLX. May isang mapipili base sa kaniyang isinulat na pahayag na gagantimpalaan dagdag na pabuya.
- 1,500 VLX ang ipapamahagi sa mga kalahok (Capped at 15 entries).
- May isang pipiliin upang magwagi ng “x-amount” ng VLX dahil sa kanyang katangi-tanging obra.
- May dalawa naman tayong pipiliin upang makatanggap ng bonus na VLX base sa raffle na gagawin sa mismong Araw ng mga Bayani.
Mga Pamantayan
- Tatlong pangungusap ang kinakailangan sa bawat entry.
- Kailangang ihayag ang katangian, mga dahilan at kung anuman patungkol sa inyong Bayani. (Basahin ang mga gabay ng katanungan sa itaas upang makatulong)
- Kailangang i-tag ang taong inyong inilalarawan.
- Ibahagi ito sa Facebook o Twitter. (Kailangang naka-public ang inyong mga post bilang patunay)
- Maaaring magdagdag ng mga larawan para sa mas makulay na paliwanag.
- Isang entry lamang sa bawat partisipante.
- Kopyahin ito at ilagay sa ilalim ng inyong post bilang “Footnote”, palatandaan na ikaw ay bahagi ng Mini-Bounty Campaign na ito.
#Velas #VelasGiveaway #VelasPhilippines #NationalHeroesDay #MyHero
- I-send ang inyong “Appreciation Post” link sa ating Telegram Channel.
- Isumite ang inyong entry sa form na ito.
Form: https://forms.gle/Supy31qAbzySRojF6
Ang lahat ng kwalipikadong kalahok ay gagantimpalaan ng VLX. Ang magwawagi naman sa pinakadetalyadong pahayag at aming magugustuhan base sa pagkakalikha ay iaanunsyo sa mismong Araw ng mga Bayani, Agosto 31, 2020, alas dose ng tanghali. Ipapamahagi ang mga pabuya sa ika-1 ng Setyembre, taong 2020.
Maraming Salamat sa pagsali!
***Sa mga katanungan, huwag mag-atubiling sumangguni sa ating mga tagapamahala sa Telegram.