Velas Partnerships
Ang pakikipag-alyansa at paggamit ng Velas sa mga serbisyong nasa blockchain ay nakakatulong upang mapabilis at mapagtuunan ng pansin ang pagpapaunlad sa proyekto.
Velas Mission
Our mission is to create and integrate world-changing technology products and services to improve people’s lives all over the globe.
Ano ang halaga nito?
Upang mapabilis ang ginagawang pagpapalawig sa mga produkto, kakayahan at mga serbisyo ng Velas ay nakikipag-alyansa ito sa mga batikan sa industriya upang matulungan sa paglago, maprotektahan ang buong kumunidad at makatipid sa oras at mapagkukunan.
Sister company CoinPayments
Ang ugnayang ito ay nakadaragdag sa gamit o utility ng VLX. Ang CoinPayments ay itinatag din ng tagapagtatag at CEO ng Velas na si Alexander Alexandrov.
Ginagamit ng CoinPayments and VLX bilang pambayad sa serbisyo nilang inaalok sa milyon-milyon nilang mga kliyente. Kung ikaw ay mayroong negosyo at nais mong tumaggap ng cryptocurrency, ito ang para sa iyo.
Ang CoinPayments ang nangungunang Cryptocurrency Payment Solution sa buong mundo na itinatag nuong 2013.
Integration: Solana Codebase
Sa pamamagitan ng Solana Codebase ay mas bumilis pa ang kabuuang tps (transaction per second) ng Velas at gamit ang Ethereum Virtual Machine (EVM) ay posible na din ang mga transaction sa magkaibang chain, mula Velas papuntang Ethereum o vice versa.
Ang Solana ay isang web-scale blockchain na nagbibigay ng mabilis, ligtas, scalable at mga desentralisadong app at pamilihan.
BC Vault
Masasabi kong isang magandang pakikipag-alyansa ang ginawang ito nga Velas. Binibigyan ng BC Vault ang Velas ng pagpipilian kung saan maaaring mag-imbak ng VLX sa hardware wallet na ito.
Ito ay kaya-aya sa mga gumagamit para sa mas ligtas na paraan ng pag-iimbak ng VLX. Mas mura din ang ginawang aksyon na ito ng Velas dahil hindi na nila kailangang manaliksik at gumawa ng sariling hardware wallet.
Ang BC Vault ang natatanging hardware wallet sa merkado na nagpapahintulot sa pagpapadala, pagtanggap at pamahalaan ang iyong pondo sa isang aplikasyon at nag-iisang kagamitan.
Path Network
Araw-araw nakakatanggap ang Velas ng mga DDoS attack. Ang isang matagumpay na DDoS attack ay maaaring maging dahilan upang mabago ang ilang block na tinatawag ding 51% attack na isang kasiraan sa isang proyekto katulad ng Velas.
Sa tulong ng Path Network ay mas napapabisa nito ang mga serbisyong hatid ng Velas at napoprotektahan din ang blockchain sa anumang kakulangan.
Ang Path Network ay isang kumpanya sa U.S. na dalubhasa sa pagpapagaan ng DDoS at seguridad ng enterprise para sa mga serbisyo tulad ng palitan, mga sentro ng pananalapi, host ng server at iba pang mga nasabing negosyo na nangangailangan ng maaasahan, 100% uptime, at proteksyon mula sa mga nakakahamak na umaatake.
Travala
Sa dahan dahang pagkawala ng pandemya at pagbalik pahintulot sa mga paglalakbay ay patok muli ang mga bakasyon. Sa pakikipagalyansa ng Travala ay nagkaroon ng bagong gamit ang VLX sa pag book at pagbabayad gamit ang platform.
Ang Travala ay isang plataporma para sa hotel at booking.