VELAS : MAGBIBIGAY NG $100 MILYON PARA SA MGA PROYEKTO

Velas Philippines
2 min readDec 24, 2021

--

Inanunsyo ng Velas na ito ay handang sumuporta at magbigay ng pera na nagkakahalaga ng $100 Milyon. Ito ay pantugon sa ibat ibang proyekto na maaring magpalago at magpaunlad sa sistema. Ito rin ang paraan upang mas maparami ang maabot at matulungan ng nasabing sitema.

Ang Velas ay handang magbigay ng $100,000 kada proyekto para sa mga mag-aapply. Nasasaad din na ang programang ito ay nakadisensyo upang suportahan ang ibat ibang malawak aspeto at ideya na maaring talakayin. Kasali na dito ang NFT-realated products, Games at Gaming, dApps at marami pang iba.

Pero ang tanong, Paano ang proseso ng pag — aapply? Madali lang, limang (5) steps lamang ang kailangan mong daanan;

Project Proposal

Kailangang tugunan ng gustong mag apply ng grant ang kanilang online fill up form. Kailangang nakasaad din dito kung ano at sa papaanong paraan makakatulong ang naisip na proyekto. Mula sa naisumiteng proyekto, pag aaralan na ito agad ng Chief Technical Officer ng Velas ang lahat ng aspeto ng proyekto.

Timeline, Development Team, Funding Requirements

Kapag ang proyektong naisumite ay nakapasa, dito na magsisimula ang malalimang pagtalakay sa proyektong naisip. Dito na papasok ang target date kugn kelan matatapos, ang mga kailangang gawin at kung magkano ang perang kaialngan para sa nasabing proyekto.

Formal Agreement, Contract, Agreed Grant and Terms

Dito na ang pormal na paglagda ng kontrata at ang paglalahad ng eksaktong halaga ng naaprobahang grant.

Milestones Reached

Sunod sunod na io-audit ang mga nalagdaan at napagkasunduang halaga ng proyekto. Sa hakbang din na ito ay laharang ichecheck at pag aaralan ang lahat ng aspeto at ideyang naisumite at naisip. Kasali na dito ay ang mga source codes, ibat ibang hakbang at iba pang bagay na maaring makatulong sa sinabing proyekto.

Realising

Pag nakompleto na ang lahat ng hakbang na nabanggit sa taas at ang lahat ng aspetong kailangan sa proyektong naisumete ay laharang nasunod, ang halagang napag usapan at napagkasunduan ay ibibigay na upang agarang maumpisahan ang plano na nararapat gawin.

Pagtatapos

Kaya ano pa ang hinihintay mo? Ganoon lamang kadali ang proseso ng pag aapply. Kailangan mo lamang siguraduhin na ang iyong naisip na proyekto ay maaring makatulong at magpaunlad sa Velas Ecosystem.

Kung may iba pang tanong o di kaya’y mungkahi hinggil sa programang ito, mag email lamang sa @info@velas.com

--

--

Velas Philippines
Velas Philippines

Written by Velas Philippines

Maligayang Bati mula sa Velas Philippines!

No responses yet