Velas All Time High

Sa pagbalik ng Velas $VLX sa dati nitong All time high, ano ba ang dapat nating asahan at gawin.

Velas Philippines
3 min readMar 16, 2021

Note: This is not a financial advice. We do not hold any responsibility for all of your financial decisions. Always do your own research before investing!

Ito ang paksang ating tatalakayin ngayong linggo upang makagawa ng desisyon na angkop sa ating katayuan.

Ang Balita

Matagal ding nanahimik ang Velas dahil abala ito sa pag develop ng mga produkto kagaya na lamang ng BitOrbit na atin nang masasaksihan ngayong Marso!

Ayon sa mga salita mismo ng CEO ng Velas na si Alex Alexandrov ay maaasahan ng lahat ang inisyal na paglulunsad sa BitOrbit ngayong Marso!

Matamlay din ang takbo ng merkado nitong mga nakaraang buwan para sa Velas. Mababa ang liquidity sa mga palitan kung kaya’t nag-aalangan ang karamihan na bumili at gamitin ang VLX coins. Ngunit hindi na ito magiging problema sa paparating ng “Exchange Listing” sa parehong buwan.

Hindi pa man opisyal na inilalahad sa publiko, nais naming ipabatid sa lahat ang mga balitang ito.

Espekulasyon

Dahil nalampasan na natin ang ating ATH, nangangahulugan lamang ito na tayo ay nasa “uncharted territory” at lahat ay posibleng mangyari at bilang mayroon na tayong bagong support sa $0.09 (ATH nung nakaraan), masasabi nating nasa magandang posisyon tayo ngayon.

Marami nang cryptocurrency ang nagsitaasan ang halaga at ang Velas ay nagsisimula pa lamang. Nalagpasan din ng Velas ang dating ATH nito na $0.09 at nagbabadya pang tumaas.

Ano ang pinakamabisang gawin sa ganitong sitwasyon?

Gumawa ng isang exit strategy.

An exit strategy is a contingency plan that is executed by an investor, trader, venture capitalist, or business owner to liquidate a position in a financial asset or dispose of tangible business assets once predetermined criteria for either has been met or exceeded.

Long

Buy low, Sell High

Halos lahat naman ng tao na naniniwala sa cryptocurrency ay nandito upang sumuporta sa teknolohiya at pangalawa na lamang ang posibleng kitain.

Ano ba ang nararapat gawin kapag ikaw ay isang #Hodler o long term player.

Kung base sa iyong pananaliksik ay malaki ang potensyal ng Velas upang magtagumpay at maisakatuparan ang mga plano nito, hindi lalaon ay madidiskubre din nito ang tunay nitong halaga na kung ikukumpara sa presyo ngayon ay hindi pa ganap.

Ang pinakamabisang gawin sa pagkakataong ito ay mag-imbak at magbenta pagkalipas ng mahabang panahon o kung kumita na ang iyong inisyal na puhunan.

Stop Limit

Kabaliktaran ng DCA, maganda ding gawin ang mag benta kapag na hit mo na ang porsyento kung saan ikaw ay kontento na.

Ito ay tagubilin lamang kung saan maaari ninyong gawin upang mabawi at manalo sa inyong puhunan.

Ano ang mga dahilan kung bakit kailangan nating mag take profit?

  1. Hindi mo kailangang ibenta ang buong portfolio mo. 10%, 20%, pwede kang mag trail ng stop limit para ma secure ang gains mo.
  2. Hindi tayo sigurado sa takbo ng merkado. Hindi natin mahuhulaan kung kailan tataas o babagsak ang anumang coin kagaya na lamang ng VLX. Kung nahuhulaan mo ng perpekto ang takbo ng merkado aba’y dapat bilyonaryo ka na.
  3. Kumita ka na. Most probably may profit ka na, hindi ka na talo kahit ano ang mangyari sa merkado.
  4. Better Opportunity. Mas madaming oportunidad ang makukuha mo kapag mayroon kang sapat na liquidity, either business or another investment.
  5. Maliit o malaking panalo ay panalo pa din.

Pagtatapos

Maganda ang tinatakbo ng merkado para sa Velas at ang magandang gawin ay pag-aralan kung ano ang magandang maidudulot nito sa iyo. Kasama ng buong pangkat ng Velas, kami ay nagpapasalamat sa suporta na inyong ibinibigay at pagsubaybay sa amin sa aming paglaki.

Tandaan: Inuulit po namin na hindi ito isang lehitimong payo sa pananalapi. Maaari po lamang magtanong sa ating tagapamahala para sa mga paksang nais ninyong liwanagin.

Upang matuto pa ng higit tungkol sa Velas, bisitahin ang mga link sa ibaba:

Velas Website | Twitter | Instagram | Facebook | YouTube |Telegram

--

--