Trading Indicators

Velas Philippines
3 min readMay 18, 2021

--

Karamihan sa atin ay nagnanais na makipagsapalaran sa merkado ng cryptocurrency at mag trade na lamang. Isang mabisang paraan upang kumita kung ikukumpara sa normal na trabaho ngunit kailangang paggugulan ng oras at pag-aralan upang makuha ang buong benepisyo dito.

Ngayon ay kilalanin natin ang iba’t-ibang trading indicator na maaari nating gamitin/magamit upang mangangalakal sa merkado ng cryptocurrency.

Support and Resistance

Ang support at resistance ay natutukoy kung ang presyo ng cryptocurrency ay naabot na ang antas ng presyo kung ito ba ay inaasahang tataas o bababa. Ang indikasyon para dito ay ang makailang ulit na ang pagsayad sa antas ngunit hindi nalalagpasan o nababaliktad.

Ang pinakamabisang gamit ng Support at Resistance ay upang malaman at madetermina kung ano ang nangyayari sa nakaraang takbo ng presyo, kung ito ba ay lalagpas o mananatili sa trend.

Maganda itong gamitin kung nais mong malaman ang trend, isa din itong malaking indikasyon kung nais mong bumili sa support at magbenta sa lugar ng resistance.

Fibonacci retracement

Ang Fibonacci retracement ay ang antas ng mga pahalang na linya kung saan nagpapahiwatig kung saan mataas ang pagkakataon upang maging isang support at resistance. Ito ay base sa mga numero sa Fibonacci. Ang Fibonacci retracement levels ay 23.6%, 38.2%, 61.8%, at 78.6%.

Ito ay batay sa mga pangunahing numero ng kilalang dalubhasa sa matematika na si Leonardo Fibonacci noong ika-13 na siglo.

Ang Fibonacci retracement strategy ay magandang gamitin upang makita ang mga posible koreksyon, reversal at mga countertrend bounce. Isa din itong tool na ginagamit upang malaman ang susunod na resistance sa isang merkado ng All time high na wala pang data para sa kasaysayan ng presyo.

Paano gamitin ang Fibonacci Retracement.

Kung Uptrend

  • Step 1 — Kilalanin muna kung ano ang trend ng merkado: Uptrend (Pataas)
  • Step 2 — Ilagay ang unang bahagi ng Fibonacci retracement tool mula sa ibaba hanggang sa pinakamataas na naabot ng presyo
  • Step 3 — Subaybayan ang tatlong mga potensyal na antas ng suporta: 0.236, 0.382 and 0.618

Gawin lamang ang kabaliktaran sa Downtrend na merkado(Pababa)

RSI

Ang Relative Strength Index (RSI) ay isang momentum indicator na ginagamit upang sukatin ang kalakhan sa pagbabago ng presyo upang suriin ang kung ito ba ay overbought o oversold.

Ito ang tradisyonal na interpretasyon sa RSI, kung ang value/halaga ay umabot na sa 70 o mas mataas, nangangahulugan ito ng pagiging overbought/overvalued at ang pagkakataon para sa trend reversal o pullback sa presyo. Ang RSI naman na may halagang 30 o mas mababa ay nangangahulugan ng pagiging oversold/undervalued.

MACD

Moving Average Convergence Divergence (MACD) ay isang trend-following momentum indicator na nagpapakita ng relasyon sa pagitan ng dalawang moving average ng presyo. Ang MACD ay kinakalkula sa pagbabawas ng 26-period exponential moving average (EMA) mula sa 12-period EMA.

Ang MACD ay tumutulong upang maintindihan kung bullish o bearish ba ang galaw ng merkado at kung ang presyo ba ay lumalakas o humihina.

Ito ay magandang gamitin kung susukatin mo kung ano ang momentum ng kasalukuyang trend at madetermina kung kailan eksaktong pwedeng bumili at pumasok sa trade o magbenta palabas.

Pagtatapos

Iyan ay iilan lamang sa mga trading indicator na maaari ninyong gamitin kung nais ninyong mangalakal(mag trade). Ang mga indicator na ibinigay bilang halimbawa ay iilan lamang sa libo-libong indicator na maaari ninyong magamit upang maisagawa nag inyong mga trade ng mas maayos at mas nakakabuti upang kayo ay kumita at maprotektahan ang inyong puhunan.

Reference: https://www.investopedia.com/

Upang matuto pa ng higit tungkol sa Velas, bisitahin ang mga link sa ibaba:

Velas Website | Twitter | Instagram | Facebook | YouTube |Telegram

--

--