Stay Safe! Take Care!
Sa mga naglipanang mga scam ngayon, ano-ano nga ba ang dapat nating iwasan at kailangang malaman.
Dahil sa mga nanggagaya sa ating mga tagapamahala, miyembro ng pangkat ng Velas at kahit mga normal na miyembro mula sa ating kumunidad na nais pagsamantalahan ang kahiyaan ng iba, tayo ay dapat maging alisto.
Pangunahing dahilan kung bakit nila ito ginagawa: May nais silang makuha sa biktima, maaaring impormasyon, password o kung anuman para sa kanilang pansariling interes. Panatilihing maging mapili sa ibinibigay na impormasyon, data at huwag basta basta magtitiwala.
Mga Dapat Iwasan
Mga Link
May nagpapadala ba sa inyo ng mga link, maaaring ito ay sa inyong email address,mga social media account, mensahe sa Telegram? Huwag i-click ito ng basta basta at suriin muna kung sino ang nagpadala ng mensahe. Mas makakabuti din kung ikaw mismo ang ma ta type ng link sa iyong browser.
Dahilan: Ang mga link na ito ay ginawa upang mapinsala ang inyong browser kung saan ay maaaring makuha ang lahat ng inyong password at mga sensitibong impormasyon kagaya ng bank account, private key at iba pa.
Sundan ang link na ito para sa karagdagang detalye
Mga Pekeng Apps
Palaging bumisita sa mga lehitimong website para sa inyong paboritong proyekto, kung maaari ay magtanong sa mga ‘live support’ upang ikaw ay tulungan. May mga pekeng app na lumalabas ngayon, isang inobasyon para sa mga mapanlinlang na gawain at upang manakawan ang mga magkakamaling gumamit nito.
Kamakailan lamang ay mayroong isang taong nanakawan ng Bitcoin sa pag install ng maling app. Si Phillipe Christodoulou ay nawalan ng Bitcoin dahil sa pag install nito ng malisyosong app mula sa Apple Store para sa kanyang Trezor Hardware Wallet.
Sundan ang link na ito para sa karagdagang detalye
Mga Mensahe
May mga mapagkunwaring gumagamit na ginagaya ang pangalan at pagkakakilalan lang ng mga admin. Pinapayuhan ang karamihan na maging maingat at hangga’t maaari ay iwasan ang pakikipag-usap sa mga admin ng walang dahilan. Nakakabuti din kung kayo mismo ang magpapadala ng mensahe sa mga awtorisadong tagapamahala gamit ang kanilang opisyal na pangalan na nakapaskil sa kanilang website o opisyal na channel.
Pagtatapos
Iwasan ang pag download ng mga app mula sa hindi awtorisadong channel, iwasan ang pag click sa mga hindi hininging link, iwasan ang pagbibigay ng impormasyon sa mga hindi kakilala, kung maaari ay i bookmark lahat ng inyong website na madalas mabisita upang hindi kayo magkamali at makapasok sa mga phishing site. Ugaliin ding sumanguni sa mga tagapamahala upang kayo ay magabayan ng tamang impormasyon.