Solana at Velas

Velas Philippines
2 min readJun 13, 2021

--

Hindi napapansin ng karamihan ang pagtutulungan ng Velas at isa sa pinakamatagumpay na blockchain at cryptocurrency sa ngayon, ang Solana. Sa ngayong edisyon ay pag-uusapan natin kung ano nga ba ang dulot ng alyansang ito.

Ano ang Solana?

Ang Solana ay isang mabilis, ligtas, at censorship resistant na blockchain na nagbibigay ng bukas na imprastraktura na kinakailangan para sa adopsyon ng buong mundo.

Ano ang dulot nito sa Velas?

Sa paggamit ng Solana Codebase, mas napabilis pa ang bawat transaksyon sa loob ng Velas network at mas napalawak ang potensyal na kaya nitong gawin. Ang mga imposible ay ginawa nitong posible. Mas mapapabilis na din ang paggamit ng mga dApp sa Velas dahil na rin sa tulong na inaalok ng Solana.

Ano ang dulot nito sa Solana?

Masasabi nating kumpleto na ang lahat sa loob ng Solana ecosystem, ngunit isang bahagi nito ang hindi pa natutuklas at binigyang puwang ng Velas sa inaalok nitong EVM kung saan maaari nang lumipat ang karamihan sa mga Ethereum dApp sa Solana at Velas.

Sa kasalukuyan ay mayroong higit sa dalawang libong Ethereum dApp sa loob ng Ethereum Network na mabibigyan ng pagkakataon upang makipag-ugnayan sa Blockchain ng Velas at Solana. Isang potensyal na merkado at kalayaan para sa lahat.

Ano ang EVM?

Pinapayagan ng EVM ang gumagamit na lumikha ng mga smart contract na kung saan ay mahalaga sa pagpapahintulot sa network ng Ethereum na makipag-ugnayan sa iba. Para sa Solana at Velas sa pagkakataong ito.

Pagtatapos

Ang pakikipag alyansa ng Solana at Velas ay isang malaking tulong sa isa’t-isa at maaasahan natin ang paglawak ng produkto na gagalaw sa loob ng ekosistema nito.

Upang matuto pa ng higit tungkol sa Velas, bisitahin ang mga link sa ibaba:

Velas Website | Twitter | Instagram | Facebook | YouTube |Telegram

--

--