Passive Income? Investment? Ano nga ba ang katotohanan sa likod ng mga Cryptocurrency

Velas Philippines
5 min readAug 16, 2020

--

Maligayang bati mga mahal naming Velonian!

Ngayong linggo ay tatalakayin natin ang isa sa mga pinagkakaguluhan ngayon sa mundo ng cryptocurrency, iyon ang Passive Income at Investment, kung ano nga ba ito, ano ang maibibigay nitong mabuting epekto sa mga gumagamit at kung ano ang totoo sa hindi upang inyong malaman kung ano ang dapat gawin kung sakaling papasok sa mundo ng crypto.

Kung kayo ay bago pa lamang sa ating channel, wag kalimutang i follow ang ating Medium Page upang maging updated sa lahat ng balita na nangyayari sa Velas at ang ating Telegram Group upang makipag-usap ng direkta sa ating mga tagapamahala.

Baguhan man o datihan na sa mundo ng crypto, siguradong may nakita na kayong mga scam, mga nanghihimok sa inyo ng malaking kita gamit ang imahe ng cryptocurrency o “Investment” at “Passive Income” kada buwan sa mga simpleng gawain. Ito ay tama ngunit sa ibang paraan, tunghayan ang istorya sa likod ng kwentong ito at bigyang linaw ang inyong mga nababasa.

Laging tandaan, lamang ang may alam! — Kuya Kim Atienza

Ano nga ba ang totoo?

Una, bigyang linaw natin kung ano-ano ang ginagawa ng isang cryptocurrency. Sa ganitong paraan ay lubos ninyong mauunawaan ang potensyal na pagkakakitaan sa mundo ng cryptocurrency.

Ang Cryptocurrency katulad ng Velas ay ginawa ng may kaukulang layunin, sa sitwasyong ito, ang Velas ay isang Blockchain network kung saan maaaring magpatakbo ng ibang proyekto, ibang cryptocurrency, ibang paggagamitan ma pa industriya man o kumpanya. Ang kaakibat sa paggamit ng Velas Blockchain ay desentralisado, mataas na antas ng seguridad, kainaman sa paggamit ng smart contract, mabilis na transaksyon at marami pang iba na patuloy pang pinapaganda at dinadaragdagan ng Velas upang maghatid ng pinakamabisang Blockchain Network sa lahat.

Pangalawa, paano pumapasok ang salitang “Investment at Passive Income” sa mga cryptocurrency.

Consensus Algorithm in Blockchain | Bitcoin Insider

Ang cryptocurrency ay gawa ng desentralisadong teknolohiya na pinapagana ng “Consensus Algorithm” kung tawagin. Ito ay ang paraan ng pagbibigay ng pabuya sa bawat minero na nagtutulungan upang mapanatiling secure ang buong network.

Ang mga “Consensus Algorithm” ay mayroong iba’t-iba ang uri. Mayroon tayong tinatawag na Proof of Work, Proof of Stake at Delegated Proof of Stake na ginagamit ng Velas.

Proof of Work — Ito iyong paraan ng pagpapanatili sa Network gamit ang mga Hardware Devices tulad ng CPU at GPU. Ito ay nangangailangan ng mataas na antas ng kaalaman sa usaping Blockchain upang maisagawa ng maayos ang pagmimina at makakuha ng pabuya base sa “difficulty”. Ginagamit ang Consensus Algorithm tulad ito ng Bitcoin.

Proof of Stake — Ito ay ang paraan ng pagpapanatili ng seguridad sa buong network gamit ang pag stake o paglalaan ng sariling coins kapalit ng pabuya batay sa halagang inilaan. Ito ay nangangailangan ng malaking puhunan sa pagbili ng coin ngunit ito ay mas mabilis kung ikukupara sa PoW. Ginagamit ang “Consensus Algorithm” tulad ito ng Ethereum.

Delegated Proof os Stake(DPOS) — Ito ay katulad lamang ng Proof of Stake, ang kaibahan lamang nito ay mas napapainam ang pagbibigay ng pabuya sa mga miner, iniaalis din nito ang “cartel” na impresyon sa network sa kadahilanang ang lahat ng token holder ay may kakayahang bumoto para sa ikakabuti ng buong network.

Ang Velas din ay gumagamit ng “DPOS” na “Consensus Algorithm” upang mas mapainam ang pabuya para sa mga minerong nagpapanatili sa seguridad, mas mabilis na transaksyon sa loob ng network bilang paghahanda sa adopsyon, “energy-efficient” at marami pang iba. Kaakibat din nito ang integrasyon ng DPOS algorithm sa AI para sa mas desentralisadong network na kung saan ang AI ang awtomatikong gumagawa ng desisyon sa loob ng netowork na nagreresulta ng walang dayaan, mas aktibo, mas handa sa mga bagong uri nga pag atake sa network.

Sa usaping “Passive Income”, nararapat lamang nating tingnan ang Consensus Algorithm dahil iyon ang tunay na dahilan kung paano nagagawa ang kalakalan sa pagbibigay pabuya sa mga Cryptocurrency Miners. Mayroon ding mga proyekto na nangangako at nag-aalok ng pabuya sa mabilis at madaling paraan, ngunit dapat lamang natin itong paglaanan ng oras at saliksiking mabuti upang hindi tayo maloko.

Ang “Passive Income” ay posible, ngunit hindi sinisigurado. Ang pagtulong sa network upang mapanatili ang seguridad ay binabayaran pa din sa anyo ng Crypcurrency na mabilis magbago ang presyo (volatile). Ang pabuya ay nadyan ngunit ang “Income” ay hindi tiyak.

Protip: Kung ang proyekto naman ay lehitimo, mangyari lamang maglaan ng puhunan sa “Consensus Algorithm” dahil ito ang nagbibigay buhay at seguridad sa Blockchain at mas garantisado ang pabuyang nakalaan para dito kung ikukumpara sa mga “MLM schemes”.

Investment

Bilang ang mga nasabing Cryptocurrency ay nabibilang sa pinansyal na sektor ng industriya at may limitadong supply mula sa oras ng pagkakagawa na maaaring magamit sa iba’t-ibang paraang nanaisin dahil sa mababang fee, mabilis na transaksyon at anonyous na katangian, dito nabubuo ang mga spekulasyon sa presyo na kung ikukumpara sa mga bangko at tradisyonal na sektor pampinansyal ay mas nakakalamang ito kung gagamitin.

Ang iba’t-ibang Cryptocurrency ay mayroong sariling katangian na naiiba sa bawat isa, kaya’t ito’y nagiging dahilan ng kalituhan sa mga baguhan kung alin nga ba ang totoo at kung anong klase ito ng “Investment”.

Mula sa mga lumikha ng kani-kanilang Cryptocurrency, katulad ng Velas, subalit ito ay binibigyang halaga o presyo, hindi parin dapat ito na ituring bilang isang Investment sa kadahilanang hindi ito ginawa upang magbigay ng pera sa mga humahawak nito.

Ang Velas ay ginagawa ang abot ng makakaya upang magbigay ng maayos na serbisyo sa mga gumagamit, upang mas mapadali ang buhay nila at maisaayos sentralisadong pamumuno na hindi naman talaga kinakailangan.

Sa pagbibigay ng maayos na serbisyo na kailangan ng karamihan, dito nabubuo ang “Demand” na nagiging dahilan ng paglobo ng presyo ng iilang Cryptocurrency, isang kadahilanan din ang limitadong supply na kung walang mapagkukunan ay tataas pangangailangan ng mga gumagamit.

Yun ang mga dahilan kung bakit nagiging isang “Investment” ang cryptocurrency, hindi dahil sa nangangako ito ng tubo sa inyong perang inilaan, kundi dahil sa tulong na ginagawa nito sa mga gumagamit/gagamit upang mapadali ang kanilang pamumuhay.

Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang mga opisyal na channel ng Velas

Velas Website | Twitter | Instagram | Facebook | YouTube |Telegram

***Babala: Ang lahat ng nabanggit ay hindi itunituring na “Financial Advice”, ang nagsulat ay hindi isang lisensyadong “Advisor” at walang responsibilidad sa inyong kikitain o ikalulugi.

--

--

Velas Philippines
Velas Philippines

Written by Velas Philippines

Maligayang Bati mula sa Velas Philippines!

No responses yet