Pagkakalista ng Velas sa Kucoin at Gate — Ano kaya ang positibong epekto nito?

Velas Philippines
2 min readDec 10, 2021

--

Sa kamakailang pagkakalista at mapabilang sa malalaking palitan, ang Velas ay bukas na sa mas maraming gumagamit.

Ngayong linggo ay tatalakayin natin kung ano nga ba ang positibong epekto ng pagkakalista sa mga malalaking palitan at kung ano ang positibong epekto nito, hindi lamang sa presyo ng VLX kundi pati na din sa lumalaking ekosistema nito.

Ano nga ba ang isang palitan?

Ang cryptocurrency exchange, o isang digital currency exchange (DCE), ay isang negosyong nagbibigay-daan sa mga customer na i-trade ang mga cryptocurrencies o digital currency para sa iba pang asset, gaya ng conventional fiat money o iba pang digital currency.

Ito ang daan upang maging pera ang crypto at maging crypto ang pera. May iba’t-ibang uri ng palitan at ito ang Centralized Exchange (CEX) at Decentralized Exchange (DEX).

Saan nailista ang Velas?

Ang Velas ay nailista sa Kucoin at Gate. Ang mga palitang ito ay ika-anim at ika-wala na pinakamalaking palitan sa kabuuan ng crypto base sa perang umiikot dito kada-araw.

Ano ang positibong epekto nito sa Velas?

  1. Dadami ang maaaring makakuha ng VLX.
    — Bilang dalawa sa pinakamalaking palitan, milyon-milyon din ang gumagamit nito at sa ngayon ay bukas ang Velas sa 16 na milyong gumagamit upang i-trade, bilhin at ibenta sa merkado publiko.
  2. Mas tumaas ang presyo ng VLX.
    — Dahil sa mas marami na ang may hawak ng $VLX, ang presyo nito ay tumaas. Hindi man ito basehan sa presyo, ito ay isang salik na binibigyan ang $VLX ng kakapusan na naging sanhi ng pagtaas ng presyo nito.
  3. Madali nang makakuha ng VLX.
    — Dahil sa pagkakalista nito sa malalaking palitan, hindi na kailangang gumawa at baguhin ng mga gumagamit ang kanilang mga account dahil mayroon na sila nito.

Pagtatapos

Ang pagkakalista sa mga palitan ay isang magandang balita sa alinmang cryptocurrency dahil nagbubukas ito ng adopsyon at kakayahang sumukat sa hinaharap sa pamamagitan ng pagiging bukas nito sa mga gumagamit. Sa nalalapit na hinaharap ay asahan ang pagkakalista sa iba pang malalaking palitan kung saan mas makikilala ang Velas at ang mga produkto na ginawa mula rito.

Upang matuto ng higit patungkol sa Velas, bisitahin ang mga link sa ibaba:

Velas Website | Twitter | Instagram | Facebook | YouTube |Telegram

--

--

Velas Philippines
Velas Philippines

Written by Velas Philippines

Maligayang Bati mula sa Velas Philippines!

No responses yet