Pag-invest sa Cryptocurrency — Pwede ba sa mga Pilipino?

Velas Philippines
3 min readFeb 18, 2021

--

Sa pag-angat ng Bitcoin at iba pang cryptocurrency ay nagsipag sulputan na din ang mga baguhang retail traders na kung saan ay nakitaan ng oportunidad ang cryptocurrency upang kumita. Ngunit sa pagpasok nilang ito, masasabi ba natin na ang Pilipinas ay “crypto-friendly” na at maaasahan ba nating mayroon nang adapsyong mangyayari?

Hadlang

Maraming hadlang sa pagpasok ng mga Pilipino sa mundo ng cryptocurrency, isa na dito ang kaalaman na kung saan ay kadalasang naisasawalang bahala na lamang, hangga’t kumikita, okay na. Ang kadalasang nangyayari ay napupunta sila sa mga scam na proyekto.

Sa kabilang banda, madali lamang matutunan ang iba’t-ibang bagay na nakapaloob sa industriya, ang kailangan lamang ay tamang paggabay upang maprotektahan ang puhunang inaasahang tumubo. Kami kasama ng buong pangkat ng Velas ay handang tumulong sa inyo, mula sa inyong mga kailangan at minsanang ding nagbibigay ng mga pabuya sa anyo ng VLX bilang pagbibigay aliw sa kumunidad na maaaring magamit upang matuto at masanay sa kung ano ang likas na katangian ng cryptocurrency.

Regulasyon

Paano ba ginagawan ng aksyon ng gobyerno ang usaping cryptocurrency? Sa ngayon ay aktibong tumatanggap ang BSP ng mga aplikasyon mula sa mga Virtual Currency Exchange. Sa kabilang banda ay hindi pa din ito iniendorso ang cryptocurrency bilang investment dahil sa volatility nito at kakulangan ng kaalaman ng madla patungkol dito.

Hindi pinagbabawalan ng BSP ang cryptocurrency sa Pilipinas at ang tanging nagagawa lamang nito ay pahintulutan ang cryptocurrency sa paraan ng mga registered VASP upang malimitahan ang bawat papasok na “virtual currency” upang masiguro na ito ay ligtas para sa mga gumagamit.

Para sa karagdagang impormasyon hinggil sa usaping ito, maaring basahin ang link sa ibaba: https://bitpinas.com/feature/interview/bangko-sentral-ng-pilipinas-2020-year-in-review/

Benepisyo

Subalit ito ay kinokonsiderang mapanganib sa mga namumuhunan, ang cryptocurrency katulad ng bitcoin ay ligtas at masasabi nating nakapagpabago sa buhay ng karamihan sa pagtaas ng presyo nito sa loob lamang ng maikling panahon.

Ang cryptocurrency ay masasabi nating teknolohiya na binibigyang halaga ang pagka-pribado, seguridad, data, mga oportunidad at marami pang iba. Maraming mabuting naidudulot ang paggamit sa cryptocurrency platform, maliban sa ito ay maaari nating ituring na investment, isang parte nito ang mga DeFi platform kung saan ay nag-aalok ng serbisyo na tanging sa mga bangko lang natin nakikita.

Pinapalawig din nito ang koneksyon natin sa bawat isa sa pamamagitan ng mga social media ng hindi naisasaalang-alang ang ating pagkakakilanlan. Kasama na din ang cross-border transaction kung saan ay nakakatulong sa mga mahal nating OFW upang makapagpadala ng pera sa napakamurang halaga para sa kanilang pamilya sa Pilipinas.

Pagwawakas

Maraming gamit ang cryptocurrency na kung saan ay nakakapagbago sa mundo ng internet sa kasalukuyan. Maraming hadlang ngunit ang mga iyan ay maaaring maiwasan gamit ang tamang kaalaman. Ang mga regulasyon din natin sa Pilipinas ay maganda kung kaya’t tulungan natin ang ating mga sarili na maging ligtas sa mga bagay bagay na maaaring makapahamak sa atin. Ang gamit naman ng cryptocurrency ay hindi lamang bilang investment kundi bilang pamalit na din sa mga ginagamit nating serbisyo online na kung saan ay maari nating pagkakitaan at marami pang iba.

Sa mga katanungan, bisitahin ang mga link sa ibaba:

Velas Website | Twitter | Instagram | Facebook | YouTube |Telegram

--

--