MGA PINTUAN SA FERRARI PARTNERSHIP

Velas Philippines
3 min readJan 10, 2022

Nung nakaraang lingo, ang tanyag na Italian luxury sports car manufacturer na Ferrari ay nakipagsosyo at pumirma ng isang multi-year contract sa Swiss blockchain start up na Velas Network. Ang pagsasama at ugnayang ito ang magbibigay daan upang makamit ng Velas ang inaasam na layunin at tagumpay na makapasok sa larangan ng Esports.

Ayon din sa balita, ang Ferrari ang eksklusibong maglalabas ng mga digital collectibles at ang magbibigay ng pondo para Esports Team ng Velas Netwrok. Ayon din mismo sa Ferrari, ang Velas Network din umano ang magiging pangunahing sponsor sa sikat at tanyag na Ferrari Esports Series. Ito din ay naayun sa parating na FIA Formula 1 Championship na kung saan ay lalaban din ang nasabing grupo.

Ayon sa din twit ng bagong CEO ng Velas Network na si Mr. Farhad Shagulyamov noong ika 28 ng Disyembre 2021 “The next chapter is coming. Today, Velas officially partnered with Scuderia Ferrari…”. Dahilsa twitter post na ito, maraming tagahanga ng Ferrari at taga supporta ng Velas Network ang natuwa at nagpunyagi. Ito marahil ang isa sa mga pinakamalaking partnership ang naitala sa kasaysasyan ng Cryptocurrency.

Sinabi din ng CEO at co-founder ng Velas, na ang open-source network ay maari ding makabuo ng bagong henerasyon ng blockchain na magbibigay ng parehong importansya sa sustainability at performance ng Velas Network. Sinabi din niya na natural lamang na makipagsosyo sa isang larawan ng tagumpay katulad ng Ferrari. Sinabi din niya sa isang panayam na “Velas has introduced an innovative variety of pioneering technology into the blockchain and associated products, which will now be showcased at the pinnacle of motorsport.

Ito ang magsisilbing daan para sa Velas Network upang tuluyang makapasok sa larangan ng Esport. Ang magandang balitang ito ay isa lamang sa marami pang plano ng Velas upang mas pagtibayin at mas palaguin ang sistema ng nasabing programa.

Alam naman nang karamihan na ang Ferrari ay isang tanyag at sikat na kompanya na gumagawa ng mga sports car at milyon-milyon ang tumatangkilik at sumusuporta dito. Sa pamamagitan ng partnership na ito, madadagdagan din umano ang mga investors at sponsors na mas maaring magpalaawak sa sistema at scope ng Velas Network. Sa kasalukyan, milyon milyon ang nagtatanong ta nakikibalita hinggil sa partnership na ito.

Ito na marahil ang isa sa pinakamalaking hakbang na nangyari sa kasaysayan ng cryptocurrency na ang dalawang lumalagong kompanya ang nagtutulungan upang mas umangat at mas pagtibayin ang kani-kanilang kompanya sa kani-kanilang larangan. Para sa iba pa at bagong balita tungkol sa apngyayaring ito, maaring maglog-in sa www.velas.com.

--

--