Mga Kalakasan ng Velas Blockchain

Velas Philippines
3 min readAug 6, 2020

--

Maligayang Pagbati para sa ating mga magbabasa, ngayong linggo ay tatalakayin natin ang mga kalakasan ng Velas Blockchain at kung anuman ang positibong epekto nito para sa hinaharap.

Ano nga ba ang Velas?

“Ang Velas Blockchain ay gumagamit ng AI-enchanced Delegated Proof of Stake (AIDPOS) consensus para sa mas mataas na bilang ng transaksyon nang hindi isinasaalang-alang ang desentralisasyon at seguridad”

Ito rin ay Acronym ng mismong pangalan nito na nangangahulugang Virtual Expanding Learning Autonomous System na sya ring pangunahing katangian nito.

Sa mga umuusbong na problema ng mga blockchain network, bilang desentralisado mahirap itong ayusin at anumang pagkukulang mula sa pagkakalikha nito ay magiging sanhi ng hindi pag-unlad ng teknolohiya sa hinaharap.

Ang mga problemang ito ay gawa ng pagbalanse sa seguridad, desentralisasyon at bilis na nagawan ng Velas ng paraan upang mag handog ng isang mabisang Blockchain Network at mga produkto.

Kalakasan ng Velas

Implementasyon ng AI — Sa pagkakataong ito, tinutulungan ng AI (Artificial Intuition) ang blockchain network ng Velas para sa mas mabisang pagsuri sa network mula sa anumang problema, nangangahulugan din na hindi kailangang baguhin ang network kung may makikitang problema sa hinaharap at sumailalim sa anumang sentralisasyon sa pagpapasya dahil ang AI na ang gumagawa nito.

AIDPOS —(AI-enchanced Delegated Proof of Stake) Sa pagpapatupad ng seguridad o Consensus Algorithm sa usaping blockchain, ang DPOS ay naimbento ni Daniel Larimer upang bigyang diin ang seguridad sa pamamagitan ng pag stake sa mga masternode at pagboto para sa ikakabuti ng network. Isang pagkukulang lang nito ay ang centralisasyon na mangagaling parin boto ng mga “Token Holders o Democracy” kung tawagin.

Sa kasalukuyan, ang DPOS ang pinakamabisang paraan upang hindi maisaalang-alang ang seguridad habang nagbibigay ng mabilis na transaksyon, ito rin ay naturingan bilang pinakaligtas, “energy-efficient”, nagbibigay ng mataas na antas ng pabuya para sa mga “staker”, kung ikukumpara sa ibang consensus algorithm na aktibo ngayon.

Basahin ito upang malaman kung gaano ka-delikado ang magagawa sa pag atake sa blockchain:

Pagkat nakakabuti, ang kahinaan ng DPOS ay ang pagbibigay kapangyarihan sa mga “token holders” upang makibahagi sa mga pagbabago at pagpapabuti sa network, ito ay nagbibigay kapangyarihan sa lahat ngunit ito rin ay nakabase sa hawak ninyong “token/coin” na kung saan nabubuo ang tinatawag nating “Cartel” na syang maaaring dahilan upang manipulahin ang pagboto para sa pansariling kapakanan.

Sa pagkakataong ito, ang AIDPOS na inihahandog ng Velas ay inaalis ang sentralisadong katangian ng DPOS algorithm sa pamamagitan ng paggawa ng mga desisyon base sa mga natutunan ng AI at hindi sa desisyon ng tao. Nagagawa din nitong hatiin ng pantay-pantay ang mga pabuya base sa kilos ng mga masternode na nangangahulugan lamang na sa mabubuting gawain ay naisasaayo ng AI ang alokasyon ng pabuya, ganun din kapag ito ay masama.

30,000 TPS — Sa tumataas na antas na pangangailangan ng madla, ang mabilis na transaksyon ay nararapat lamang na bigyang pansin at halaga dahil ito ang kasangkapan sa adapsyon o pagtanggap ng madla sa mga cryptocurrency.

Nakikita natin ngayon ang ganitong problema sa paggamit ng Bitcoin, mataas ang fee at mabagal na transaksyon na iniiwasan ng nakakarami at maaaring maging hadlang sa adapsyon na ating inaasam.

Sa paggamit ng AIDPOS, mas napapabilis ang bawat transaksyon na nagbibigay daan sa micro/macro na mga transaksyon. Sa pamamagitan nito, hindi na kailangan mag unahan at magpataw pa ng mataas na “transaction fees”.

Pagtatapos

Sa patuloy na pagkilala sa teknolohiya ng Blockchain, kaakibat nito ang samo’t saring epekto, mabuti man o masama. Maraming pagkukulang ang dapat punan kung kaya’t nakaisip ang Velas ng paraan upang maialis ang sentralisasyon at mapabisa ang katangian ng Blockchain. Sa pamamagitan ng AI, tinitiyak nitong ligtas ang network sa anumang panganib, pandaraya at ano pang masasamang gawain na maaaring maging sanhi ng kasiraan sa industriya.

Velas Website | Twitter | Instagram | Facebook | YouTube |Telegram

--

--

Velas Philippines
Velas Philippines

Written by Velas Philippines

Maligayang Bati mula sa Velas Philippines!

No responses yet