Mga dapat ninyong malaman sa Velas Staking
Sa pag-upgrade ng Velas upang gamitin ang Solana codebase, mas pinabilis nito ang buong network at hindi matatawaran ang kaginhawaang dala nito sa buong ekosistema. Sa pagbabagong ito, saan nga ba tayo nararapat na mag stake?
Staking — ay isang proseso ng pagtulong sa pag kumpirma sa bawat transaksyon (katulad ng mining) sa isang Proof-of-Stake (PoS) na blockchain. Sa mga blockchain na ito, kaunti lamang ang kinakailangang mapagkukunan upang mapatunayan ang mga transaksyon at kumita ng pabuya.
Benepisyo ng Staking
Bakit ba natin nanaisin ang mag-stake kaysa mag mina?
- Galanteng Pabuya (Passive Income)
- Pinapanatiling ligtas ang buong network
- Madaling gawin
- Eco-friendly
- Scalable
- Walang kinakailangang kagamitan
Saan maaaring mag stake gamit ang Velas ($VLX)?
Lisensyadong Exchanges (Palitan) kung saan nakalista ang VLX — Gamit lamang ang inyong email at password, mas pinadali ang pagstake ng VLX sa mga palitan kung saan ito nakalista.
Velas Wallet — Ang multicurrency-wallet ng Velas ay hinahayaan ang lahat na upang makapag-stake.
Pros
Palitan
- Madaling ma access
- Walang minimum amount
- Walang limit sa maximum amount
- Mas mataas ang pabuya kung ikukumpara sa wallet
- May opsyon sa tagal ng pag-stake
- Maaaring gamitin sa mobile
- Mas madali ang pagbebenta at pagbili
Velas Wallet
- Desentralisado
- Auto-compound
- Mataas ang antas ng seguridad
- Maaaring gamitin sa mobile
Cons
Palitan
- Sentralisado
- Mayroong lock-up period
Velas Wallet
- Mahabang seed phrase
Mga dapat bigyang pansin
- Crypto Staking Returns— Iba’t iba ang hatid na pabuya ng bawat crypto. Bigyang pansin ang “APY” ng mga coin na nais ninyong suportahan. Sa Velas, ang APY ay umaabot sa 21%
- Market Risk — Mayroong halaga ang cryptocurrency na kadalasang naka pares sa USD o iba pang currency. Kahit mayroong mga pabuya, isaisip ang halaga nito kontra USD dahil hindi ito magkakapareha.
- Liquidity Risk — Mababang liquidity na nangangahulugang mahirap maibenta pagdating ng panahon.
- Lockup Periods — Ito ang yugto kung saan ay naka lock ang iyong crypto at maaari mo lamang makuha pabalik kasama ng iyong pabuya pagtapos ng panahon.
- Rewards Duration — Ito ang panahon kung kailan ibinibigay ang mga pabuya. Sa sitwasyon ng Velas, ang pabuya ay ibinibigay pagkatapos ng bawat epoch (3 days) at auto-compound ito.
- Validator Risk — Ang pag-stake ay nakabase sa iyong Validator na sasalihan. Mas maganda ang pagganap ng iyong Validator, mas maganda din ang pabuyang makukuha. Kabaliktaran naman ito kung hindi gumagana ng maayos ang validator na iyong sinalihan o tinutulungan.
Pagtatapos
Mayroong kalakasan ang bawat isa. Mayroong madaling gamitin, mayroon ding mas ligtas gamitin at mag imbak ng crypto. Kung gusto mo ng mas ligtas gamitin, maaari ka sa Velas wallet, kung nais mo namang mag trade, maaari mong gamitin ang mga opisyal na palitan. Laging tatandaan, “not your keys, not your coins”, maging maingat at pangalagaan ang inyong crypto at mag stake upang ito ay dumami.