Kilalanin natin ang NFT
Sa paglaganap ng kasikatan ng NFT, mas kilalanin pa natin kung ano ang gamit nito at kung bakit ito tinatangkilik at pinapahalagahan ng karamihan.
Ano ang NFT?
Ang acronym na NFT ay nangangahulugang “‘”Non-Fungible Token”
Ano ang katangian ng isang NFT?
Hindi kagaya ng ibang cryptocurrency, ang NFT ay katangi-tangi at hindi maaaring palitan.
Halibawa, ang isang Bitcoin ay pwedeng ipalit sa isa pang Bitcoin nang hindi nagbabago ang katangian nito. Ang NFT naman ay natatangi at walang kapareha.
Saan ito ginagamit/magagamit?
Ang NFT ay maaaring gamitin bilang
- Digital Art
- Gaming
- Koleksyon (Digital Asset, Trading Card, Autograph, atbp.)
- Musika
- Pananalapi
- atbp.
Ano ang konsepto ng NFT?
Ang NFT ay ginawa upang magbigay ng seguridad katulad ng cryptocurrency, certificate of authenticity at legal right sa mga digital na asset. Nangangahulugan din ito na ang bawat NFT ay hacker resistant at mayroong public proof of ownership dahil sa pagkakakilanlan nito sa blockchain.
Saan ako makakakuha ng NFT?
Maaaring makagawa ang sinuman ng NFT. Karaniwan itong matatagpuan sa Ethereum Network bilang ERC20 standard.
Ito ang mga marketplace na sikat ngayon kung saan pwedeng makabili at makapagbenta ng NFT
Marami na ding Blockchain Network ngayon na nagpapahintulot sa mga creator na gumawa ng kanilang sariling NFT. Iilan na dito ang Binance, Polkadot, Flow by Dapper Labs at marami pang iba.
Plano din itong idagdag ng Velas sa mga hanay na produkto para sa kumunidad.
Ano ang pinakamahal na NFT?
Malaki ang potensyal ng NFT ay hindi ninyo aakalain ang kayang ibayad ng mga kolektor para dito. Ang pinakamahal na NFT na naibenta ay nagkakahalaga ng 69.3 Milyong Dolyar.
Paano ito nakakatulong sa mga artist?
Ang bawat NFT ay “authentic” at binibigyan nito ng oportunidad ang mga artist upang maipamalas ang kanilang galing sa online marketplace, dahil dun ay nabibigyan sila ng oportunidad upang pagkakitaan ang kanilang gawa nang hindi naisasaalang-alang ang pagiging orihinal nito.
Pagtatapos
Maraming gamit ang NFT at ang halaga nito ay nakabase sa mga bumibili o kolektor. Ngunit sa dala nitong benepisyo para sa lahat, isaisip din ang mga peligro na maaaring makuha sa pagbili nito lalo na sa mga gusto itong pagkakitaan.
Ang NFT ay nagsisimula pa lamang at maaari din natin itong makita bilang isa sa mga produkto ng Velas sa hinaharap.