Kahalagahan ng Pagpupulong

Velas Philippines
2 min readMar 11, 2021

Sa ngayong henerasyon masasabi nating hindi praktikal na gawin ang isang pagpupulong sa kadahilanang maaari namang gawin ang lahat ng bagay online.

Ang Velas Philippines ay inaanyayahan ang lahat na sumali at magtulungan palawigin ang kaalaman at kakayanan patungkol sa usaping cryptocurrency at mga bagay bagay na nakapalibot dito, mga produkto, mga trend, pagkakakitaan at marami pang iba.

Ngunit sapat ba ang maaari nating matutunan sa harap ng computer o cellphone? Nasasagot ba ang ating katanungan, nabibigyang buhay ang ating mga ideya at mas natutukoy ba natin ang isang paksa sa simpleng pakikipag-chat lamang?

Kung kaya’t ninanais ng Velas Philippines na mas talakayin pa ang usapin ng cryptocurrency sa pamamagitan pagsasagawa sa isang kaganapan tulad ng Meetup. Ang makatulong sa mga Pilipino malaman ang mga bagay na bumubuo sa isang cryptocurrency, kung bakit binibigyang halaga ito ng mga tao at marami pang iba.

Sa pagtaas ng presyo ng Bitcoin at iba pang cryptocurrency katulad ng Velas ay mas dumarami na din ang mga scam na nararapat nating iwasan at ang mga pagpupulong na tulad nito ay labis na makakatulong sa pagpapalawig sa ating kaalaman at koneskyon.

Hindi natin maisasawalang bahala ang sakit na Covid=19 at ang pandemya kung kaya’t ninanais pa din nating mag ingat, pagsunod sa mga safety protocol. Ang makakuha ng benepisyo at hindi sakit.

Kami ay nagagalak na gawin ang kaganapang ito sa lalong madaling panahon upang makapagbigay kaalaman sa ating kababayan, makakilala ng mga taong may parehong interes, makatulong at makapagbigay aliw sa lahat.

Ang teknolohiya ng blockchain ay sinasakop na ang buong mundo, papahuli pa ba tayo?

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang mga opisyal ng channel ng Velas

Velas Website | Twitter | Instagram | Facebook | YouTube |Telegram

--

--