Kahalagahan ng Hardware Wallet

Velas Philippines
3 min readAug 1, 2020

--

Not your keys, not your coins

Sa nakaraan, maraming pangyayari na hindi inaasahan para sa mga tagahawak ng crypto, ito’y maaaring dahil sa kapabayaan o mahinang seguridad upang protektahan ang kanilang pag-aari na naging resulta upang ito ay ma-hack o manakaw. Kung kaya’t pinapahalagahan ng buong crypto community ang seguridad upang bigyang diin ang mga wallet kung saan tayo ay nag-iimbak ng crypto at isa na dito ang mga Hardware Wallet kung tawagin.

Ang halaga ng mga Hardware Wallet tulad ng BC Vault ay hindi maikakaila. Sa taglay nitong katangian upang protektahan ang mga cryptocurrency ng may hawak nito ay hindi matutumbasan at ang hatid nitong katiwasayan sa kalooban dahil siguradong ligtas ang inyong wallet.

Ilan sa mga katangian ng BC Vault wallet ay hindi ito maaaring ma-access kapag wala mismo ang aparato nito, nangangahulugan lamang na hanga’t nasasaiyo ang wallet ay hindi ito maaaring ma-access ng iba at hindi maaaring manakaw ang iyong cryptocurrency na hawak. Isa rin sa mga katangian nito ay ang pag-alog sa mismong wallet upang makalikha ng random na mga numero bilang iyong password.

Bilang isang siguradong paraan upang mag-imbak ng crypto ng ligtas, nakipag-alyansa ang Velas sa BC Vault upang bigyang diin ang seguridad ng pamayanan ng Velas at para narin mag-stake ng $VLX sa kakaiba at makabagong paraan.

Sa katunayan, ang Blockchain network at ang mga wallet na likha mula rito ay ligtas na kung iisipin ngunit ang mga paraan upang nakawin ito ay dumadami katulad na lamang ng pagpindot sa mga hindi kilalang email, virus, pag access sa 2FA at iba pa.

Bisitahin itong link para sa mga karagdagang detalye.

Ang kabuuang Marketcap ng crypto ay umaabot sa ₱16,191,552,858,729 (mula sa oras ng pagsusulat), na mainit sa mata ng mga hacker na gustong magnakaw kung kaya’t inyong responsibilidad ang protektahan ang inyong mga sarili sa mga ganitong uri pangyayari.

Sa paggamit ng Hardware Wallet, mas mapapaigting ang seguridad upang protektahan ang inyong hawak na crypto. Katulad ng karamihan, nais ng Velas na isakatuparan ang pinapangarap nating hinaharap para sa kabuuan ng industriya ng Cryptocurrency at Blockchain kung kaya’t pinapahalagahan nila ang seguridad at katiwasayan para sa bawat isa.

Pagtatapos

Ang teknolohiya ng Blockchain ay lubhang ligtas pero ang kapabayaan mula sa mga indibidwal ay hindi natin maisasawalang bahala at maaaring dahilan ng mga masasamang gawain sa industriya. Dito pumapasok ang papel ng mga Hardware Wallet katulad ng BC Vault upang mapaigting ang seguridad at maiwasan ang dapat iwasan. Ngayon, ang Velas ay nakibahagi upang tulungan ang pamayanan nito na mabigyan ng karagdagang seguridad at makatulong sa pagdaragdag sa mga opsyon na maaaring pagpilian ng mga gumagamit.

Sa mga nagnanais makabili ng BC Vault Wallet ay maaaring bisitahin ang kanilang opisyal na website:

Velas Website | Twitter | Instagram | Facebook | YouTube |Telegram

--

--

Velas Philippines
Velas Philippines

Written by Velas Philippines

Maligayang Bati mula sa Velas Philippines!

No responses yet