Gamit ng DeFi sa Kasalukuyang Panahon

Velas Philippines
6 min readOct 7, 2020

--

Isang interesadong bagay ang Decentralized Finance o DeFi dahil sa potensyal na tinataglay nito. Ito din ang nagpapabuhay sa kabuuang merkado ngayon dahil maaaring gawin dito upang magamit ang mga serbisyong sa mga bangko lang natin kadalasang nakikita.

Mayroong tayong iba’t-ibang uri ng produkto kung saan naglalayon itong mas mapabuti ang pamamalakad sa pananalapi at maibalik ang kontrol sa mga gumagamit. Mas pinapabilis din nito ang mga transaksyon sa murang halaga, nagbubukas din ito ng pinto sa mga namumuhunan para sa mas galanteng kita. Maraming salamat sa kakayahan ng Blockchain na gawin ligtas ang pakikipagkalakalan gamit ang internet, sa bisa na din ng iba’t-ibang network ay mas naaayon ang produkto sa kailangan ng mga gumagamit.

Ang mga produktong tatalakayin natin ngayon ay ang pinakasikat na kategorya sa larangan ng DeFi at ang produktong nangunguna dito.

Lending Platforms

Gamit ang smart contract, ito ay mga platform na pwede kang umutang, magpautang, at makipagkalakalan.

Borrow

Para sa mga uutang, ito ay isang murang paraan ng pag-utang kapalit ng maliit na interes. Maganda din ito dahil walang kinakailangang “identity check” na gaganapin at mangyayari ang lahat ng walang kinakailangang pagkakakilanlan hindi tulad ng sa mga bangko. Tandaan, kailangang mag-collateral ng isang asset katulad ng ETH o ibang pang upang maka-utang.

Lend/Save

Ito ay ang mga nagpapautang gamit ang isang platform kung saan naka-lock ang kanilang asset kapalit ng interes sa paglipas ng panahon.

Dahil sa pabagu-bagong galaw ng merkado ng cryptocurrency, ang mga namumuhunan ay naghahanap ng paraan upang makakuha ng stable na kita mula sa kanilang asset. Upang makasiguro, ang iba ay gumagamit ng platform tulad nito upang mag lock ng asset sa anyo ng DAI at kumita pagkatapos.

Trade

Isang katangian din ng ating halimbawa ay ang pagiging isang Decentralized Peer-to-Peer exchange kung saan maaring makapagkalakalan gamit ang tokens/coins sa iba pang gumagamit.

Ang ating halibawa sa kategoryang “Lending” ay nagmula sa Maker Dao Oasis portal. Kalakip na rin dito ang mga larawang ginamit na kuha mula sa website nito.
Link: https://oasis.app/

Decentralized Exchanges

Ang isang Decetralized Exchange ay isang uri ng palitan na kung saan ay non-custodial wallet inyong wallet na ginagamit, nangangahulugan ito na iyong coins ay iyong responsibilidad. Hamak na mas ligtas ito kung ikukumpara sa mga centralized exchanges na may ilang nakawan na ang naiulat.

Isang halimbawa nito ay ang Uniswap. Ang Uniswap ay isang makabagong Decentralized Exchange na kung saan binigyang halaga ang “Liquidity” sa pamamagitan ng pag issue ng “Tokens” bilang pabuya sa mga “Liquidity Provider” na nagdedeposito ng tokens sa isang pool na sya namang gagamitin upang “instant” nalang ang mangyayaring trade. Kung ikukumpara sa “order book model” ng mga centralized exchanges, di hamak na mas mabilis ito, mas mababa ang fee, hindi gaanong makaka-epekto sa presyo ng merkado at masisigurong ligtas ang inyong asset.

Maaari ninyong gamitin ang mga Decentralized Exchanges na ito kung ang inyong “Tokens” ay nakalista dito. Sa kasalukuyan, tanging Ethereum Blockchain lamang ang nakikita kong mayroong Decentralized Exchanges, nangangahulugan ding tanging mga token lamang sa Ethereum Network ang gawing kalakal sa palitang ito. Ngunit may tinatawag tayong “Synthetic Assets” na maaaring maging lunas sa kakulangang ito.

Synthetic Assets

Ang mga Cryptocurrency-based synthetic assets ay naglalayong mabigyan ng exposure ang iba’t-ibang asset katulad ng Bitcoin na magamit sa Network ng Ethereum at iba pa.

Ang ideyang ito ay naglalayong mabigyan ng karagdagang oportunidad ang merkado at pagpipilian mula sa mga karaniwang problemang kinakaharap ng blockchain. Ang palitan g Bitcoin at Ethereum ay nangyayari sa Centralized Exchanges lamang, sa tulong ng “Synthetic Assets” ay maaari nang magamit ang wBTC, isang Bitcoin Backed Token sa Ethereum Network na mayroong 1:1 ratio o halaga sa actual na Bitcoin. Gamit ito, posible na ang kalakalan sa iba pang cryptocurrency katulad ng Litecoin at mga asset katulad na lamang ng Ginto, Lupa, Langis at iba pa.

Isang magandang halimbawa din ay ang stablecoins upang mapanatili ang liquidity at bilang safe haven na din sa kadahilanang ito ay sinusuportahan ng dolyar at ang bawat USD stablecoin ay kasing halaga lamang ng isang USD. Ratio 1:1.

Maaaring magamit ang mga “Synthetic Asset” tulad nito para mapanatiling ligtas sa pabago-bagong takbo ng merkado, magamit ang real-world asset, iba’t-ibang cryptocurrency at iba pa. Mas mapapabilis din ang paglilipat ng pera, mas mataas na liquidity at ang access sa iba pang real-world asset.

Katuwang ang Symblox, maaari din kayong mag-imbak ng mga sinusuportahan nilang crypto asset sa kanilang reserve pool bilang collateral sa ninanais na Synthetic Asset. Sinuman ay pwedeng gumawa ng “Synthetic Bitcoin” (syBTC), “Synthetic US Dollar” (syUSD), Ginto (syGOLD) at mga stocks katulad ng AAPL (syAPPL) at marami pang iba. Ang mga Synthetic Asset na iyan ay maaaring ikalakal ng direkta sa Symblox protocol. Ang Symblox ay nagbibigay ng karagdagang Liquidity at kaligtasan sa pabago-bagong takbo ng merkado sa pamamagitan ng pag-issue ng Synthetic Asset sa isang desentralisadong kalikasan.

Yield Farming

Ito ay ang pinagsamang kakayahan ng bawat DeFi platform kung saan ay itinuturing din na “Passive Income”.

Sa karaniwan, ang Yield Farming ay ang simpleng pag lock ng tokens para sa inaasahang pabuya. Karaniwan itong makikita sa mga Lending/Borrowing Platforms at Decentralized Exchanges.

Isa din ito sa pinaka-inaabangan ng lahat sa industriya ng DeFi, dahil dito nagkaroon tayo ng sapat ng liquidity para sa kalakalan at dagdag na mga oportunidad upang kumita. Ito din ay naging daan upang bigyang kalayaan ang mga gumagamit sa mga serbisyong tanging bangko lamang ang nakapagbibigay.

Sa ngayon ay umabot na sa 10 Bilyong Dolyar ang naka lock na crypto sa kabuuan ng mga DeFi platform. Ang halagang ito ay nagpapakita kung gaano kalaki ang potensyal na hatid ng DeFi sa mundo ng crypto.

Maraming paraan at maraming DeFi platform ang maaring gamiting upang makapag-simula sa “Yield Farming”, ngunit palaging tandaan ang mga panganib na kalakip ng pag lock ng tokens sa loob ng mahabang panahon. Pabago-bago din ang “yields” na ibinibigay ng mga “Yield Farming” platform kung kaya’t may mga dapat isaalang-alang upang makakuha ng sapat na pabuya mula rito.

Pagtatapos

Magandang benepisyo ang hatid sa ating ng DeFi ngunit mayroong mga dapat isipin bago magsimula dito. Ang pag lock ng token, mga bug sa smart contract, ang mga teknikal ng paraan upang ito ay magamit at iba pa,. Lahat ng iyan ay kailangang pag-isipan upang hindi ma-liquidate ang inyong account o di kaya ay ma scam at marami pang iba.

Ang magamit ito sa buong potensyal para sa ikakabuti ng ating buhay at pamumuhay ay labis na pinapahalagahan. Pag-aralan at mag-ingat sa mga panganib na kalakip nito.

Para sa usaping DeFi, salihan ang ating DeFi Telegram Group: https://t.me/velasDeFi

Sumali din sa ating Filipino Velas Group:
https://t.me/velasphilippinesofficial

Warning: This is not a financial advice. This content is for entertainment purposes only and we do not hold any responsibility for all of your financial decisions. Always do your own research before investing!

Para sa karagdagang detalye tungkol sa Velas at mga benepisyong hatid nito, sundan lamang ang link na sumusunod:

Velas Website | Twitter | Instagram | Facebook | YouTube |Telegram

--

--

Velas Philippines
Velas Philippines

Written by Velas Philippines

Maligayang Bati mula sa Velas Philippines!

No responses yet