Frequently Asked Questions from Absolute Crypto Beginners

Velas Philippines
4 min readSep 5, 2020

--

Dito sa content natin ngayong linggo, bibigyang linaw natin ang iilan sa mga katanungan mula sa mga nagpaplanong pumasok sa mundo ng pagki-crypto. Nakakatuwang isipin ang kanilang impresyon sa Cryptocurrency at iyon ay ating bibigyang linaw at sasagutin.

Dito ay sasagutin natin kung isa nga bang MLM scheme ang Cryptocurrency at kung totoo ba na maaaring gawing pagkakitaan ang cryptocurrency at iba pa.

Warning: This is not a financial advice. Always do your own research before investing into volatile cryptocurrency markets.

Ano ang Cryptocurrency?

Sagot: Ang cryptocurrency ay isang Digital na currency. Ito ay nilikha sa Blockchain — isang ledger kung saan pinapanatili ang seguridad gamit ang network ng mga computer. Ang cryptocurrency ay ligtas sa anumang pandaraya dahil lahat ng transaksyon ay permanente, desentralisado at makikita ng lahat.

May iba’t-ibang Blockchain tulad na lamang ng Bitcoin, Ethereum at Velas na mayroong magkaka-ibang katangian.

Isa sa mga natural na katangian ng cryptocurrency ay Fixed Supply, nababago din ang mga katangian nito base sa gumawa upang solusyunan ang iba’t-ibang problema ng may desentralisado at ligtas na katangian.

Isa bang MLM scheme ang Cryptocurrency?

Sagot: Hindi. May pareho silang Network ngunit iiba ang katangian. Ang Crypto ay Blockchain Network at ang MLM naman ay Network Marketing.

Ang MLM scheme o Multi-Level Marketing ay isang sistema kung saan ay nagbebenta ng produkto o serbisyo at gumagana sa pamamagitan ng recruitment.

Sa kabilang banda, ang Cryptocurrency ay hindi ginawa upang makapag-imbita o makapagbigay ng kita sa lahat ng may hawak nito. Ang cryptocurrency ay binibigyang halaga dahil sa mga katangian nito. Katulad na lamang ng Velas Blockchain, mas pinapabilis nito ang mga transaksyon sa network kung kaya’t maaari itong magamit ng maraming tao ng hindi naaapektuhan ang Gas Fee kung tawagin.

Kamakailan lamang, ito ay naging problema ng Ethereum Network na hindi naging maganda ang epekto sa mga gumagamit nito. Umabot kasi ng $10 ang bayad sa bawat transaksyon na hindi naman dapat. Nakakasama sa kabuuan ng Cryptocurrency ang mga ganitong uri ng mga kapintasan.

Iyon naman ang binibigyang halaga ng Velas, ang maiwasan ang ganitong uri ng mga pangyayari.

Akala ko Bitcoin lang ang Crypto?

Sagot: Hindi. Ang katotohanan ay Bitcoin ang pinakasikat na Cryptocurrency dahil ito ang kauna-unahang nag implementa sa teknolohiya ng Blockchain na naging inspirasyon ng ibang proyekto kalaunan.

Sa ngayon, mayroong 6715 na cryptocurrency ayon sa CoinMarketCap. Nangangahulugan lamang ito na hindi lamang ang Bitcoin ang Cryptocurrency dahil may iba ding cryptocurrency na maaari nating magamit katulad ng Velas.

Paano ako kikita sa Crypto?

Sagot: Maraming paraan. Katulad nalang ng ginawaga namin sa Velas kung saan ay binibigyan namin ng pabuya ang aming kumunidad kapalit ng kanilang pagsali sa aming kaunting Giveaway o Mini-Bounty.

Marami pa kayong makikitang ganito mula sa iba’t-ibang proyekto. Meron ding mga kumita sa pamamagitan ng pagbili ng Cryptocurrency sa mababang presyo bago ito tumaas. Subalit hindi ito iniririkomenda sapagkat ang pagkakataon na kumita at kasing halaga lamang ng tsansang pagkalugi, nais naming ipagbigay diin na manaliksik muna bago pumasok o bumili ng cryptocurrency.

Investment ba ito?

Sagot: Maari itong ituring bilang isang Investment kapag ikaw ay may wasto nang kaalaman kung ano nga ba talaga ang isang cryptocurrency at kung papaano gumagalaw ng merkado nito upang maiwasan ang pagkalugi.

Hindi naman mahirap ang pananaliksik sa usaping crypto at nandito ang kupunan ng Velas upang tulungan kayo sa inyong mga tugon.

Saan ako matututo sa pagki-crypto?

Sagot: Maaari kang matuto kung papaano gumagana ang isang crypto mula sa paggamit nito. Sa ngayong panahon, madali nalang makakuha ng cryptocurrency sa mga palitan. Sa Pilipinas, ginagamit natin ang coins.ph, Bbra, at iba pa.

Cryptocurrency, Wallet, Blockchain, Utility Use Case, Use Case at iba pa. Yan ay iilan lamang sa mga sangay na ating malalaman kapag tayo ay magsisimula na sa pagamit ng Cryptocurrency.

Maaari din kayong bumisita sa ating Velas Philippine TG Group upang masagot ang iba pa ninyong mga katanungan patungkol sa pangkalahatan ng Cryptocurrency at Velas.

Anong benepisyo ang maaari kong makuha sa Crypto?

Sagot: Sa paggamit ng Cryptocurrency, masasabi ko na maraming benipisyong makukuha mula sa paggamit nito.

Isa na rito ang mabilis at murang mga transaksyon na hindi nangangailangan ng pagkakakilanlan mula sa sender patungo sa receiver. Nangangahulugan din ito na maaari itong gamitin ng kahit na sino, saan man sa mundo.

Maaari din ninyong gamitin ang iba’t-ibang Platform rito upang mapadali ang inyong mga gawain, ma pa industriya man o maliliit na negosyo lamang.

Hindi rin natin maikakaila na marami ng nagbago ang buhay at yumaman dahil sa pagbili ng mga cryptocurrency sa mura na halaga at ang ibenta ito sa mas mataas na presyo. Sa madaling salita, maaari kayong matuto kung papaano ang trading upang madagdagan ang inyong kaalaman kung paano kumita ng pera.

Kung may mga katanungan pa kayo, huwag mahihiyang ipagbigay alam sa ating Telegram Channel upang kami ay makatulong. Ipagbigay alam din ang inyong opinyon patungkol sa aming mga kasagutan, inaasahan namin ang inyong tugon.

Hanggang sa susunod na linggo, salamat!

Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang mga opisyal na channel ng Velas

Velas Website | Twitter | Instagram | Facebook | YouTube |Telegram

--

--

Velas Philippines
Velas Philippines

Written by Velas Philippines

Maligayang Bati mula sa Velas Philippines!

No responses yet