First Artist Approved NFT
NFT ang pinakamainit na usapin ngayon sa mundo ng cryptocurrency at isang dahilan nadin kung bakit ang mga sikat na mga alagad ng sining ay pumapasok sa industriya ay upang kumita at higit sa lahat ay matamasa ang biyaya ng teknolohiya ng blockchain.
Lingid sa kaalaman ng karamihan, halos lahat ng bagay ay nagagaya, nakokopya, napipirata o kung anuman, ngunit ang NFT ay binigyang kapangyarihan ang mga likha upang maging orihinal at lehitimo sa pagbibigay dito ng “certificate of authenticity” at “legal right”.
A Night at the Opera — Dubai
Ngayon ay nakikipagsabayan na din ang pangkat ng Velas sa unahan para sa mga katangi-tanging NFT na ilalabas.
Ang paggawa sa kauna-unahang “Artist Approved NFT” o [A-NFT]
- Pangalan: [X AE A-12]
- Ang mga alagad ng sining na gumawa nito ay sina Abdullah Qandeel at Peggy Gou kasama ang tagapagtatag ng Velas na si Alex Alexandrov
- Sa pakikipagtulungan ng Velas Blockchain at MPWR Space
Ang sasakyan na ginamit ay isang Aventador SVJ Roadster at magiging bukas sa publiko at subastahan sa mga susunod na linggo.
Sa ngayon ay pribado pa ang mga detalye tungkol sa NFT na ito, makipag-ugnayan sa ating mga tagapamahala at abangan ang iba pang detalye na ilalabas namin sa mga susunod pang mga linggo.