DeFi Trend — Totoo nga ba?
Maligayang bati mga mahal naming Velonians!
Ngayong linggo ay tatalakayin natin ang isa sa pinakamainit na usapin ngayon sa mundo ng cryptocurrency na kung saan ay naging sanhi ng pagtaas ng presyo ng iilang mga “DeFi” Crytocurrencies.
Kung kayo ay bago pa lamang sa ating channel, wag kalimutang i follow ang ating Medium Page upang maging updated sa lahat ng balita na nangyayari, gayundin ang ating Telegram Group upang makipag-usap ng direkta sa ating mga tagapamahala.
Mangyari ding basahin ang content natin nuong nakaraang linggo: https://medium.com/@Velas_PH/cv-vc-top-50-report-featuring-velas-6dc3f721c3d1
Malaki na ang itinaas sa presyo ng “DeFi” tokens, ngunit ano nga ba talaga ang DeFi? May mabuti ba itong epekto sa mga gumagamit? Samahan kami at ating tuklasin ang katotohanan sa likod ng mga “DeFi” upang hindi madala sa hype na hatid nito, maiwasan ang mga scam at mga insidente sa pag-hack.
Ano nga ba ang DeFi?
Ang DeFi o Decentralized Finance ay naglalayong palitan ang tradisyonal na sistema sa pananalapi sa pamamagitan ng paggamit ng blockchain network.
Ito ay mas pinabisang merkado sa pamamagitan ng pagpapa-utang at pag-utang, pagbili at pagbenta ng mga security/derivatives, pagpapadala ng pera o kung anumang transaksyon ay maaari nang gawin sa desentralisadong paraan na hindi nangangailangan ng permiso, pagkakakilanlan, transparent at sentralisadong awtoridad.
Produkto/Gamit ng DeFi
Ito ang iilan sa mga Gamit/Produkto ng isang DeFi na masasabi nating nagpabago sa takbo ng merkado ngayon.
Kabuuang halaga ng DeFi: $10.89B (USD) (As of the time of writing)
Stable Coin — Dahil sa pabago-bago at di tiyak na presyo ng karaniwang cryptocurrency, ang stable coin ay nilikha base sa karaniwang currency tulad ng Peso o Dolyar upang magamit sa mga transaksyon.
Borrowing & Lending — Sa pamamagitan ng Smart Contract, posible na ang pagpapa-utang o paglaan ng pera sa mga lending platform kapalit ng interes at pag-utang na hindi nangangailangan ng credit check.
Decentralized Exchanges — Ang problema sa liquidity, mataas na fee, sentralisadong pamamahala at iba pa ay binigyang solusyon ng mga decetralized exchanges. Gamit ito, derekta na ang kalakalan sa bawat gumagamit. Mayroong iba’t-ibang katangian ang Decentralized Exchanges, basahin dito.
Monetary Banking Services — Ito ang mga karaniwang serbisyong ibinibigay ng bangko katulad ng Insurance, stable coin, stock options at iba pa.
Wrapped BTC — Isa sa mga kakaibang serbisyo ng DeFi ay ang wrapped BTC. Ang Wrapped BTC o WBTC ang katumbas ng Bitcoin sa Ethereum Network upang ito ay magamit sa mas mabilis na paraan. Ang ratio ng halaga nito ay 1:1 at kinokonsiderang isang ding stablecoin.
Cross-Border Payment Services — Sa pamamagitan ng mga stable coin, mas pinaigi na ang pagpapadala at paglilipat ng pondo saan man sa mundo kapalit lamang ng kaunting “fees”. Ito din ay magagamit 24/7.
Sa mga nabanggit, may mga pagkakataong inilalarawan ng isang DeFi ang isang security asset. Sa mga hindi nakakaalam, ang isang security ay uri ng asset na nagbibigay ng garantisadong tubo para sa mga namumuhunan sa kadahilanang ito ay may derektang benipisyo mula sa mga humahawak nito. Stocks, o crytocurrency tokens/coins sa usaping DeFi.
Para sa gustong malaman ng higit ang usaping Security, basahin ito: https://www.investopedia.com/terms/s/security.asp
“Banking the Unbanked”
Benepisyo ng DeFi
Ang kasalukuyang estado ng sistema sa pananalapi ay nalalayo sa benepisyong naibibigay at kayang ibigay ng DeFi. Wala itong tagapamagitan, ito ay maaaring magamit sa buong mundo, transparent at maaring gamitin anumang oras.
Kung ikukumpara, masasabi nating mas abot kaya ang bawat transaksyon, walang pinipiniling antas ng pamumuhay, desentralisado at ito ay nagbibigay ng pabuya sa mga partisipante o liquidity providers. Sa katunayan maraming produkto ang maaring pagpilian at lahat ng iyon ay pumapabor sa mga gumagamit at tatangkilik.
Pagwawakas
Ang DeFi ay hindi na bago para sa mga gumagamit ng cryptocurrency, subalit sa madla, ito ay hindi hamak na mas mahirap intindihin kung ikukumpara sa mga bangko na karaniwang ginagamit at nakasanayan. Kapalit ng mga benepisyo ay ang responsibilidad ng mga gumagamit na panatilihing ligtas ang kanilang crypto asset at gamitin ito sa buong potensyal.
Nagagalak ang kuminidad sa benepisyong dala ng DeFi trend, ngunit ang lahat ng ito ay mayroong limitasyon. Ang inobasyong ito ay bago pa lamang kung kaya’t maging mapanuri sa lahat ng papasukang proyekto upang makaiwas sa mga scam at mga insidente sa pag-hack.
Kasama ang Velas, kami ay handang tumulong sa mga nais ninyong malaman. Patungkol sa usaping DeFi, sumali sa ating telegram group upang makipag-ugnayan sa mga namamahala at mga tumatangkilik.
Velas DeFi Telegram Group: https://t.me/velasDeFi