Crypto Pinoy

Velas Philippines
4 min readDec 9, 2020

--

Ano na kaya ang estado Cryptocurrency sa Pilipinas?

Sa pag-angat ng Bitcoin pabalik sa “All Time High” nito, tumaas muli ang interes ng madla sa usapin ng Bitcoin at Cryptocurrency.

Source: TradingView (Live Price action of Bitcoin against USD)

Maraming nabigla sa biglang pag-angat sa presyo ng Bitcoin papunta sa dati nitong All Time High sa loob lamang ng maikling panahon at naging usap-usapan din ang pagpasok ng iba’t-ibang institusyon upang tangkilikin ang Bitcoin at ang potensyal na halaga nito.

Ang larawan na ito ay nagmula sa Google Trend

Sa pagkakataong ito, ang karamihan sa mga Pilipino ay may alam na patungkol sa Cryptocurrency. Nagtanong-tanong kami sa isang daang katao kung ano ang tingin nila sa Cryptocurrency sa kasalukuyan at kung ano ang mga hadlang upang tuklasin nila ito.

Pagtaas ng demand ng Bitcoin

Subalit ang halos lahat ng Cryptocurrency ay nananatili sa kanilang kasalukuyang presyo, ang presyo naman ng Bitcoin ay malapit nang malagpasan ang “All Time High” nito, nangangahulugan lamang na tumataas muli ang demand para dito na karamihan ay nagmula sa mga institusyon na pinagkatiwalaan ang teknolohiya.

Ano nga ba ang magiging epekto nito sa kabuuang merkado?

Ang pag-angat ng Bitcoin ay isang indikasyon na dumarami na ang tumatangkilik sa Cryptocurrency at hindi lalaon ay madidiskubre na din ng madla ang iba pang Cryptocurrency katulad ng Velas at ang mga inihahandog nitong serbisyo at produkto na maaaring gamitin ng lahat.

Pagiging “accessible” ng Cryptocurrency

Sa pangunguna ng Paypal sa pagtanggap at pag-alok ng Cryptocurrency, sinundan din ito ng mga malalaking bangko sa Estados Unidos tulad na lamang ng Goldman Sachs.

Hindi lamang iyon, maraming proyekto na rin ang nagtatangka at patuloy na nagpapalaganap ng kanilang mga produkto upang magamit ng karamihan sa pagbabayad, bilang investment o kung anuman.

Marami nang murang Cryptocurrency ngayon kagaya ng Velas na kung ikukumpara sa presyo ng Bitcoin ay malayo at kung saan ang buong potensyal nito ay hindi pa naaarok.

Antas ng kamalayan

Ayon sa chart natin sa itaas, marami nang Pilipino ang may alam sa Cryptocurrency at gumagamit dito. Isang magandang indikasyon na ang Pilipinas ay sumasabay na sa pandaigdigang merkado at sa pagtangkilik sa bagong teknolohiya at instrumento sa pananalapi.

Kamakailan din ay napabalita ang paglunsad ng UnionBank sa sarili nitong Stablecoin na nag-ngangalang PHX. Dito pa lamang ay masasabi na nating pinaghahandaan na ng Bangko ang potensyal na pag domina sa pambansang merkado.

Sa pagdami ng natuto at may kamalayan sa usaping Cryptocurrency ay dumarami din ang mga nagtatangkang manloko sa anyo ng mga scam at investment na kung saan ay nagbibigay ng napalaking tubo sa loob lamang ng kaunting panahon. Kasama ang pangkat ng mga taong may karanasan na sa Cryptocurrency, nandito ang pangkat ng Velas Philippines upang gabayan kayo sa mga nais ninyong malaman. Makipag-ugnayan lamang sa ating Telegram Group upang makipag-usap ng direkta sa mga namamahala.

Mga Hadlang

Lahat ay gustong matuto ngunit mayroong mga hadlang upang magawa nila ito. Nasa listahan ang iilan sa mga dahilan kung bakit ang isang indibidwal ay nahihirapang makapasok sa mundo ng Cryptocurrency.

Pera ang pangunahing dahilan kung bakit hindi sila nakakapasok sa mundo ng Cryptocurrency. Paano ka nga naman makakakuha ng Cryptocurrency kung hindi ka bibili at magpapalabas ng pera. Mabuti na lamang at nandito muli ang pangkat ng Velas Philippines upang magbigay kasiyahan at pabuya sa miyembro ng kumunidad sa pamamagitan ng paglahok sa mga ginagawa nitong aktibidad. Mangyari lamang itanong sa mga namamahala ang patungkol dito.

Kasunod na dahilan ay ang kakulangan sa kaalaman. Komplikado ang Cryptocurrency ngunit madali lang itong matutunan dahil na rin sa tulong ng mga developer, mas pinadali na ang pag-angkin sa mga ito at maraming paraan na din ang ginawa upang pagpilian ng madla.

Saklaw na Edad

Sa pag-usbong ng teknolohiya, mas nahihilig dito ang mga kabataang madalas gumamit ng Cellphone o Computer na kung saan maaaring ma-access ang Crytocurrency.

  • May edad na 8 hanggang 23 o mas kilala sa tawag ng Gen Z ang pinakamarami sa survey. Nangangahulugan lamang na sila ang pinka-aktibo sa paksang ito at ang potensyal na merkado dito sa Pilipinas kung pag-uusapan ang Cryptocurrency adoption.
  • May edad na 24 hanggan 39 o tinatawag din nating Gen Y. Sila iyong sumusunod sa pila sa mga taong interesado sa usaping Cryptocurrency. Sila din ay may kakayahang mag trabaho sa iilang kompanya sa Blockchain dahil kanilang mga kasanayan at karanasan.

Pagtatapos

Maraming oportunidad ang naibibigay ng industriya ng Cryptocurrency sa karamihan at usaping hindi pa natatalakay. Sa pagtaas muli ng marketcap ay ang pagdami na naman ng scam na dapat iwasan ng karamihan. Magbigay at manaliksik ng tamang impormasyon at tulungan ang mga baguhan upang hindi humantong sa masama ang dalang epekto ng Cryptocurrency sa Pilipinas.

Bisitahin ang mga link sa ibaba para sa karagdagang detalye:

Velas Website | Twitter | Instagram | Facebook | YouTube |Telegram

--

--

Velas Philippines
Velas Philippines

Written by Velas Philippines

Maligayang Bati mula sa Velas Philippines!

No responses yet