BitOrbit — Ang Solusyon sa Sentralisadong Social Media

Velas Philippines
2 min readOct 12, 2021

--

Sa pagkawala ng mga sentralisadong social media (Facebook, Instagram, Whatsapp) sa loob ng maikling panahon, nawalan din ng kumpyansa ang mga gumagamit at nangangambang ito ay maulit.

Facebook Outage

Matapos ang anim na oras na outage dahil sa problema sa DNS routing nito ay naapektuhan ang Instagram, Whatsapp, Messenger, at Oculus VR na pagmamay-ari ng Facebook.

Dahil sa outage ay maraming gumagamit ang naapektuhan, iilan dito ay ang mga content creator at negosyanteng ginagamit ang platform upang pagkitaan, sa mga panahong iyon ay nawalan sila ng potensyal na kustomer at kita para sa kanilang kabuhayan.

BitOrbit

Ang sentralisadong social media ay parte na ng nakaraan at dito umuusbong ang produkto ng blockchain para sa mas ligtas, mas mapagkakatiwalaan, may respeto sa pagkapribado, mabilis at sumusukat na plataporma ng social media.

Ang BitOrbit ay isang desentralisadong social media platform na naghahandog ng mga sumusunod na tampok:

  • Gumawa ng mga Paid Content
  • Magbahagi ng referral link para kumita
  • Naka-embed na Chat
  • Naka-embed na Crypto Wallet

Sa pamamagitan ng paggamit ng teknolohiya ng blockchain, ang Bitorbit ay isang pangunahing paglilipat ng paradaym sa pakikipag-ugnay, impluwensya, at pakikipag-usap online. Mawawala na rin ang problema sa pagkapribado, monopolya at mga isyu na kihakaharap ng mga gumagamit.

Gamit ang BitOrbit magkakaroon ng:

  • Desentralisasyon
  • Pagkapribado
  • Demokrasya
  • Seguridad
  • Malayang pananalita
  • Open Source
  • Desentralisadong Mga Aplikasyon
  • Microapps
  • Pamamahala sa Pagkakakilanlan at Pag-access
  • Mga Serbisyo sa Pagbabayad
  • Open Finance
  • Social Media Network at Messenger

Pagtatapos

Hindi lamang mga isyu ang nilulutas ng isang desentralisadong social media, bukod sa pagbabalik nito ng kapangyarihan sa mga gumagamit, bukas din ito sa mga pagsulong sa teknolohiya tulad ng paggawa ng mga microapp, tampok para mapagkakitaan, bukas at malayang pananalita at marami pang iba.

Ang opsyon ng mga gumagamit para sa mga produktong may benepisyong pansarili ay lantad. Ikaw ano ang pipiliin mo?

Upang matuto ng higit patungkol sa Velas, bisitahin ang mga link sa ibaba:

Velas Website | Twitter | Instagram | Facebook | YouTube |Telegram

--

--

Velas Philippines
Velas Philippines

Written by Velas Philippines

Maligayang Bati mula sa Velas Philippines!

No responses yet