Arbitrage Trading: Ano nga ba ito at ang oportunidad dito?

Velas Philippines
3 min readMay 30, 2021

--

Madaming oportunidad sa merkado ng crypto at isa na dito ang Arbitrage Trading. Sa linggong ito ay tatalakayin natin kung ano ba ang Artbitrage Trading, paano ba natin ito magagamit at ano ang mga dapat nating tandaan habang ginagawa natin ito.

Ano nga ba ang Arbitrage Trading?

Arbitrage trading is a relatively low-risk trading strategy that takes advantage of price differences across markets. Most of the time, this involves buying and selling the same asset (like Bitcoin) on different exchanges. Since the price of Bitcoin should, in theory, be equal on Binance and on another exchange, any difference between the two is likely an arbitrage opportunity.

Ang arbitrage trading ay isang paraan ng pakikipagkalakaran kung saan ay nakukuhanan ng oportunidad ang pagkakaiba sa presyo sa pagitan ng bawat palitan. Mahal ang presyo sa isang palitan, mas mura sa kabila.

Paano gawin ang arbitrage trading?

Buy Low, Sell High

Buy low, sell high. Iyan ang kadalasan nating binabanggit kapag tayo ay nagti-trade upang masiguro ang ating kita. Ang Arbitrage trading ang literal na interpretasyon ng Buy Low, Sell High. Ang ginagawa sa arbitrage trading ay ang hanapin kung nasaang palitan ang nagbebenta sa murang presyo at ang bumibili sa mamahaling presyo.

Bibigyang halimbawa natin ang VLX at kung papaano natin makukuhanan ng oportunidad ang mga merkado kung saan ito nakalista.

Source: Coinmarketcap

Ang larawan sa itaas ay nagpapakita ng presyo mula sa magkakaibang palitan, sa magkakaibang trading pair at presyo.

Paano natin ito makukuhanan ng oportunidad?

Kinuha natin ang pinakamahal at pinakamurang merkado para sa VLX at iyon ang Bittrex at Probit.

Kung mapapansin ninyo, mahal ang bentahan ng $VLX sa Bittrex.

Mura naman ang bentahan ng $VLX sa Probit.

Bilang isang arbitrage trader (arbitrageur), nais ninyong bumili ng mura (Buy Low) at ibenta ito sa mas mahal na presyo (Sell High).

Sa sitwasyong ito, kayo ay bibili sa Probit sa halagang $0.06956 at magbenta sa Bittrex sa halagang $0.08883. Sa bawat trade ay inaasahan ninyong magkakaroon kayo ng 27.70% na kita.

Mga dapat tandaan

  • Ang laki ng inyong order. Ang paraang ito ay nakabase sa order book kung kaya’t kailangang isaisip ang liquidity sa bawat palitan. Mas mababang liquidity, mas matagal ma-hit ang inyong order.
  • Kailangang mabilis ang palitang magaganap upang makaiwas sa fluctuation ng presyo.
  • Kailangang isaisip ang mga fees na kailangan sa bawat transaksyon. Withdrawal fess, Trading Fees at iba pa.
  • Maaari kayong malugi kapag ang presyo ay tumaas/bumaba ng hindi inaasahan. (Maliit ang pagkakataon na mangyari ito ngunit kailangang tandaan)

Pagtatapos

Ang arbitrage trading ay isang paaran upang kumita sa merkado dahil sa hindi pagkakapareha ng presyo sa pagitan ng bawat palitan. Ito ay isang gawain na mabisa kung nais mong kumita ng ligtas at mabilisan. Ang kailangan lamang ay klaro ang intensyon at bukas ang isip sa mga panganib na maaaring mangyari tuwing ikaw ay nagti-trade.

Upang matuto pa ng higit tungkol sa Velas, bisitahin ang mga link sa ibaba:

Velas Website | Twitter | Instagram | Facebook | YouTube |Telegram

--

--

Velas Philippines
Velas Philippines

Written by Velas Philippines

Maligayang Bati mula sa Velas Philippines!

No responses yet