Ano ang mga paraan upang makakuha ng pabuya gamit ang Velas
Mataas na antas ng pabuya mula sa mga namumuhunan, iyan ang isa sa mga pinakamainit na paksa ngayon sa mundo ng cryptocurrency. Sa paraan ng Yield Farming, ang sinuman ay maaaring maglaan ng anumang halaga at awtomatiko itong makakatanggap ng tubo na siya namang kinagigiliwan ng karamihan.
Ang Defi ang nagpasikat sa paraang ito kung saan ay mas pinabuti ang industriya ng pananalapi at ibinahagi ang kita sa mga taong sumusuporta dito. Bilang isang Blockchain network, ang Velas ay may kahalintulad ding katangian at ito ang tinatawag nating staking.
Ano nga ba ang Staking?
Ang staking ay isang proseso kung saan ay aktibong nakikilahok sa pagpapatunay ng transaksyon sa isang proof of stake blockchain. Maihahalintulad din natin ito sa Proof of work na ginagamit ng Bitcoin ngunit sa mas energy-effecient at mas mabilis na paraan. Kadalasan ay mayroong minimum balance na kailangan upang makasali at maka-validate ng transaksyon upang makakuha ng pabuya.
Ano ang mga pabuya na maaari nating makuha dito?
Hindi ito nalalayo sa tinatawag nating Yield Farming. Ang Yield Farming ay kadalasang nakapunto sa pinansyal na merkado subalit ang staking naman ay ginagawa upang mapanatili ang seguridad sa isang blockchain at mapabilis ang mga transaksyon na nangyayari dito.
Sa paraan ng Velas ay maaari tayong magstake ng bababa sa isang VLX at aabot sa 18% ang inaasahang kita sa loob lamang ng isang buwan.
Paano makakapag-stake ng Velas?
Mayroon tayong iba’t-ibang paraan upang maka stake ng VLX coin at makakuha ng pabuya.
Masternode
- Web Wallet
- Isang milyong halaga ng VLX (minimum) upang makapag-stake.
- Kaalamang teknikal upang mapagana ito ng maayos.
- May malaking pabuya.
Delegate Staking
- Mobile Wallet, Web Wallet
- Sampung libo halaga ng VLX (minimum) upang makapag-stake.
- Kaunti ang pabuya.
Exchange staking
- Exchange wallet (Custodial Wallet)
- Probit at BW
- Isang VLX lamang ang kailangan upang makapag-stake.
- Tinatayang 18%-20% kada taon ang maaaring makuhang pabuya sa pag stake dito.
Defi wallet staking (Symblox)
- Velas Defi Wallet
- No minimum
- Seed Pool: 28% average APR
- Swap Pool: 123.5%
Sundan itong link para sa wallet guide at guide para makuha ang pinakamabisang seleksyon ng pabuya base sa kagustuhan.
Pagwawakas
Hindi man isang Defi platform ang Velas kaya naman nitong magbigay ng mga pabuya sa parehong antas. Isa na din ang kakayahang makapagpatakbo nang mga Defi na proyekto kagaya ng Symblox na kung saan ay nakakatulong sa paglago ng ekosistema nito.
Umiwas sa mga maling impormasyon. Laging sumangguni sa mga opisyal na channel ng Velas:
Velas Website | Twitter | Instagram | Facebook | YouTube |Telegram
Velas Philippines Telegram Group || Velas Philippines Telegram Channel