Altseason — Marketcap Competition
Na hit na ng Bitcoin ang All Time High nito at nalagpasan pa. Ang kabuuang Market Cap ng cryptocurrency ay lumagpas din sa Isang Trilyong Dolyar, bilang bitcoin ang nangunguna ay nalagpasan din ang mga kompanya ng Facebook, Tesla atbp. sa katayuan ng market cap.
Ang Ethereum (ETH) ang nangungunang altcoin kasunod lamang ng Bitcoin ay inaasahang magiging susi sa pag-angat ng iba pang altcoin. Kapag humina ang Bitcoin, kasama ng Ethereum ang ibang altcoin sa pagtaas ng presyo nito.
Sa pagtaas ng marketcap, ang dominance ng bitcoin ay umabot din sa 70%. Kung susuriin, ang presyo ng lahat ng altcoin sa merkado (kabuuang bilang na 6185) ay 30% lamang.
Kapag bumaba na ang dominance ng bitcoin, doon na magsisimula ang tinatawag nating altseason kung saan ang marketcap/pera ay iikot na muli sa mga coins/token sa pangunguna ng Ethereum.
Bakit nga ba gusto ng lahat ang Altseason?
Bukod sa mga hawak ninyong Bitcoin, masasabi nating mas mura ang mga altcoin at mas marami din ang may hawak nito. Mayroon ding kadalasang makukuha sa mga airdrop, bounty at inaasahang mas malaki ang kikitain kung ikukumpara sa bitcoin.
Halimbawa sa sitwasyon ng Velas, ang Velas ay isa ding altcoin, kung tataas ang presyo nito at aabot sa isang dolyar, hindi malaki ang epekto nito sa buong marketcap ngunit malaki ang benepisyo sa mga humahawak nito.
Ang kagandahan ng Altseason at malaki ang potensyal ng malaking kita para sa mga retail investors na namumuhunan dito.
Kailan ba ang Altseason?
Tingnan ang larawan na ito mula kay OpTelic.
Unang una sa listahan ng isang Bull Cycle ay ang hari, ang Bitcoin. Basically duon papasok ang halos lahat ng funding, kasunod ay ang Ethereum, ang pinakamalaking altcoin base sa coinmarketcap at ang flag-bearer ng alts. Kasunod ay ang large cap coins, yung mga una sa listahan, mga nasa top 10 o top 20 at ang panghuli ay ang altseason kung saan ang daloy ng pera mula sa mga top coins kasali na ang bitcoin ay mapupunta sa mga bagong proyekto o mga proyektong may potensyal.
Ngunit wala talagang nakakaalam kung kailan ang eksaktong araw ng altseason na ating inaabangan. Ang inaasahan lamang ng karamihan ay ito’y darating sa lalong madaling panahon.
https://twitter.com/davidgokhshtein/status/1349492256588374021
#ALTSEASON is coming to be nuts.
You had time to get ready.
Babala: Hindi ito isang payo. Ang may akda ay hindi isang propesyonal na tagapayo sa pananalapi. Ito ay pawang haka-haka lamang at pinapayuhan ang madla na magsagawa ng pananaliksik bago mag invest sa pabago-bagong presyo na cryptocurrency.