Ai, Blockchain at Velas
Sa patuloy na pag-usbong ng teknolohiya, pagdami ng mga gumagamit at mga namumuhunan, ang Blockchain ay inaasahan ng lahat na makakapagpabago sa takbo ng mundo.
Ang pagtanggap mula sa iilang Gobyerno sa teknolohiya ng blockchain ay nakakamangha at masasabi nating isa ito sa pinakamatagumpay na pagsasama na nakakabuti para sa karamihan.
Sa hinaharap, inaasahan ang pagsisilbi ng pinakamabisang blockchain network upang harapin ang kasalukuyang mga problema tulad ng mabagal na transaksyon, sentralisadong mga katangian, problema sa pagmimina, mabigat na node na ginagamit sa seguridad at iba pa.
Sa mga nabangit na kapintasan, hindi sapat ang mga umiiral na teknolohiya at dito pumapasok ang Velas.
“Ang Velas Blockchain ay gumagamit ng AI-enchanced Delegated Proof of Stake (AIDPOS) consensus para sa mas mataas na bilang ng transaksyon nang hindi isinasaalang-alang ang desentralisasyon at seguridad”
Mas mataas na antas ng transaksyon, sinisigurado ang desentralisasyon at mas ligtas sa anumang uri na atake tulad ng “51% attack” ang nasabing network.
AI sa hinaharap
Sa patuloy na pag-usbong ng teknolohiya, ang blockchain ay inaasahang aalisin ang alinmang kontrol mula sa mga tao at mga “bad elements”. Sa ganung paraan lamang natin makakamtan ang tunay na desentralisasyon at iyon ay sa tulong ng AI.
Ano nga ba ang AI?
AI o Artificial Intelligence kung tawagin, ay isang makina kung saan ito’y nilalagyan ng data upang gayahin ang kakayahan at kaalaman ng tao. Ngunit ang teknolohiyang ito ay nangangailangan ng matinding computing power kung saan pinapatagal ang paggawa sa bagong nodes o pag produce ng bagong blocks at hindi kaaya-aya sa implementasyon ng blockchain.
Ang ninanais gawin ng Velas ay kakaiba at ito ang Artificial Intuition o ang kakayahan ng isang makina na matuto base sa mga nangyayari sa network nito. Ito ay mas kilala bilang “Decentralized AI”.
Ang Artificial Intuition ay hindi nangangailangan ng mataas na memory node para sa seguridad, binabawasan din nito ang gastos sa consensus at pinapalaki ang pabuya para sa mga “staker”, kaya din nitong makipagsabayan sa mas mataas na antas ng teknolohiya dahil sa kakayahan nitong matuto at labanan ang mga makabagong paraan ng atake sa network. Mas magaan, mas magaling, mas angkop, at mas mabilis, iilan lamang iyan sa mga katangian ng Velas Blockchain Network.
Kinabukasan ng Velas
Sa mainit na pagtanggap ng iilan, ang teknolohiya ng blockchain ay namamayagpag sa kasalukyan at handang tumulong sa anumang industriya upang mawaksi ang korapsyon at iba pang masasamang gawain.
Ang Velas ay narito upang bigyang diin ang desentralisasyon at mabigyan ng tunay na serbisyo ang mga mamamayan. Sa pagdami ng kumunidad ng Velas, hindi natin maikakaila na maraming humahanga sa teknolohiya at AI na inaasahang magdadala ng malaking pagbabago sa blockchain at hinaharap.
Ilan sa mga popular na personalidad tulad ni Gary Vaynerchuk at Elon Musk na naghahayag ng pagkamangha sa Blockchain at AI. Nangangahulugan lamang ito na ang Velas ay nasa tamang landas sa paghahatid ng magandang serbisyo sa anyo ng Velas Blockchain.
Sa mga hindi nakakakilala, si Elon Musk ang tagapagtatag ng Tesla, SpaceX at iba pa. Kamakailan din ay nakagawa ito ng kasaysayan sa matagumpay na pagpapalipad ng SpaceX sa kalawakan.
Si Gary Vaynerchuk ay isang Social media tycoon, tagapagtatag din ng VaynerMedia, VaynerSports at iba pa. Sya rin ay isang investor ng Facebook, Twitter at Uber, isa sa mga pinakakilalang marketing influencer sa Youtube na kinikilala sa buong mundo.
Hindi natin maikakaila na sina Elon Musk at Gary Vaynerchuk ay iilan lamang sa mga personalidad na labis ang paghanga at pagkamangha sa teknolohiya ng Blockchain at AI. Nababatid din nila na ito ang magiging dahilan kung bakit magkakaroon ng malaking pagbabago sa hinaharap sa pag-usbong nang mga ito.
Pagwawakas
Ang blockchain ay isang rebolusyon ngunit ang mga problemang nakapalibot dito na nararapat lamang na bigyang solusyon. Ang Velas ay gumawa ng paraan upang maging epektibo ang nasabing teknolohiya sa hinaharap at magamit ng matiwasay ng sinumang may kagustuhang mapabuti ang kanilang industriya para sa desentralisado, mabilis, magaan, at mas ligtas na paraan.
Velas Website | Twitter | Instagram | Facebook | YouTube |Telegram